Sabik na sabik ang lahat ng tao sa veranda sa pagbaba ng mag asawang Don Sebastian at Donya Elenita. Hindi na sila mapakali na makita at batiin ng isang maligayang kaarawan ang Donya.Natigagal ang lahat ng makitang lumabas ng Mansion si Don Sebastian na buhat buhat ang wala ng buhay na si Donya Elenita.
"Wala na si Elenitang mahal ko! Iniwan na niya tayo --- Don Sebastian
"Inaaaaaaaaaaaaaaaaa -- Señor Gabriel
Patakbong nilapitan ni Gabriel ang kanyang ama't ina. Iyak ito ng iyak at hindi na makapaniwalang wala na ang mahal na ina.
"Inaaa...
Gumising ka! Hindi ka patay diba? Natutulog ka lang ng mahimbing diba?
Paano na ang mga kapatid ko sa tiyan mo?
Inaaaaaaaaa...... - Señor Gabriel"Anak, wala na si Ina mo! Iniwan na niya tayo - Don Sebastian
"Ateeeeeeeeeee, bakitttttttt........????? Bakit ang aga mo kaming iwan? --- Dra. Divina
"Ate Elenita 😭! Sayang kumpleto pa namin kami! Patawad kung hindi ka namin nabati man lang ng personal sa mahalagang araw ng buhay mo
Paalam Ate---- Señor JuanitoNapuno nang luha at pagdadalamhati ang buong Mansion ng Villaverde. Hindi makapaniwala ang lahat na sa kanilang inihandang sorpresa para sa Donya ay sila ang sinorpresa nito.
Lahat ay litong lito sapagkat lahat ng katanungan nila'y wala pang kasagutan.
Kung bakit biglaan ang pagkamatay ng Donya?
Kung bakit hindi nila ito kinakitaan ng senyales maliban sa pamamayat nito.
Nagtataka pa nga sila sapagkat ang lakas lakas nito ng gabing maghanda sila ng sorpresa para ngayong umaga.
Ilan nalang sa ipinalagay nila'y napagod, napasma at nabaguhan ang Donya.
Gayunpaman ay labis parin talaga ang kanilang pagluluksa.Nang araw ding iyon dumating ang kaniyang doktor na si Dr. Artemio Luis sapagkat ang alam nga nito ay kaarawan ng Donya nagulat lang siya sapagkat ang taning niyang 30 to 40 days ay nangyari sa isang iglap lang.
"Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Donya Elenita. Don Sebastian, patawad dahil ang nasabi ko sayong 30 to 40 days na taning ay nangyari sa isang iglap lang.---- Dr. Luis
"Wala kang dapat ihingi ng tawad Dr. Luis. Ginawa natin ang lahat ng ating makakaya subalit sadyang hanggang doon na nga lang talaga ang ako niyang buhay----- Don Sebastian
na kay Gabriel. Alam rin niyang sa anumang oras ay maaari na siyang pumanaw. Nakausap ko siya kagabi sa telepono tungkol sa kanyang sakit at napakarami niyang tanong. Pilit kong inilalayo roon ang usapan at pinapalakas ko ang loob niyang malay niya ay mayroong himala subalit sadyang makulit si Donya Elenita.----
"Anong mga nasabi niya sa iyo Dr. Luis---- Dra. Divina
"Tinanong niya kung sakaling mamamatay siya sa araw ngayon kung pwedeng ngayon mismo na raw ang araw ng una't huling burol nya ?----
"Ano???? Tinanong niya iyon sayo???--- Señora Aleta
"Ang sabi ko naman sa kanya , kahit masakit sa kalooban ko ay OO NAMAN. Alam niya kasing may cancer siya at ayaw niyang makahawa kahit hindi naman ito nakakahawa. Isa pa ayaw niyang magpa imbalsamo kung sakali man. Kaya nga sa mga sandaling ito'y tinawagan ko na ang Funeral Services na mag aabyad sa kanyang katawan. Ayaw niya raw mawalay sa Mansion at sa mga taong narito. ------