Habang patungong Manila si Gabriel ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Sabik siyang makita si El Veyra at nag aalala rin siya sa karamdaman ng Ama. Batid niyang hindi na magtatagal si Don Sebastian kaya may isang bagay na sumilid sa isip niya.Nabuo na ang pasya niyang pakasalan na agad sa Manila si El Veyra at gusto niyang pagbalik niya sa Mansyon ay maipakilala niya ito hindi bilang kasintahan kundi isang Mrs. El Veyra Villaverde.
Nasa isang magarang Hotel sa Manila si El Veyra ng dumating si Gabriel. Tuwang tuwa naman ito ng makita siya ng babae.
"Mr. Gabriel Villaverde!!! I really Miss you!----
"Ako din El Veyra sobrang namiss kita! Halika, may pupuntahan tayo!----
"Oh! Teka?! Saan naman ito? Wala naman akong ibang alam na lugar dito sa Manila, hahahahhahah!----
"Kay Judge Simon Dominguez---
"Hah??? Sino siya? At bakit naman sa Judge tayo pupunta? Naguguluhan ako sa iyo Gabriel!----
"Magpapakasal na tayo! Hindi na ako makapaghintay na maipakilala kita kay Ama at sa buong Villaverde bilang isang misis ko---
"Anoooo???? Hindi ba't parang napakabilis naman nito Gabriel! Hindi pa naman ako magtatagal sa Pilipinas! 1 week lang ako dito at pabalik rin agad ako ng Amerika. Tapos pakakasalan mo na ako---
"Mas mabuti nga iyon El Veyra, para sa muling pagbalik mo ay may permanente ka ng uuwian sa Pilipinas. Sa ating bayan, sa ating hacienda----
Wala ng nagawa si El Veyra sa pagmamadali ni Gabriel sa kasal nila. Mahal naman niya si Gabriel subalit para sa kanya ay napakabilis nito.
"Ano ba talagang dahilan at bakit bigla bigla mo na lang naisipan na pakasalan ako Gabriel?---
"Wala El Veyra, alam naman nating mahal natin ang isa't isa. Patatagalin pa ba natin ito! Isa pa nasa edad na rin naman na tayo! Hindi na rin naman natin kailangan humingi ng permiso sa ating mga kamag anak at magulang!----
"Bukod doon Gabriel??? Alam kong may iba pang dahilan!----
"Ayaw mo bang pakasal sa akin El Veyra???---
"Hindi naman sa ganun Gabriel! Nais ko lamang malaman ang buong dahilan kung bakit biglaan ito upang sa gayon ay walang bumabagabag sa aking puso't isipan. Gusto kong matali sa relasyon at pagsasamag walang pag aalinlangan at itinatago---
"El Veyra, matanda na si Ama. Alam kong hindi na siya magtatagal. Gusto ko bago man lang siya mawala ay maipakilala ko na sa kanya ang taong magiging katuwang ko habambuhay. Ang babaeng magiging ina ng kanyang mga apo!----
Nagulat si El Veyra sa sinabi ni Gabriel. Humanga siya sa labis na pagmamahal nito sa kanyang Ama.
Naiyak rin siya at naalala ang kanyang mga magulang. Kung sana ay buhay ang mga ito'y tuwang tuwa ito sapagkat ikakasal na ang kanilang pinakamamahal na anak.
Mabilis lang ang naging seremonya ng kasal nina Gabriela at El Veyra. Matapos ito ay kumain sila sa mamahaling Restaurant. Namili rin sila ng mga pasalubong sa mansyon at kay Don Sebastian. Nasasabik sila sa magiging reaksyon ng matanda kapag sinabi na nilang silang dalawa ay nag isang dibdib na.