"Ester? Nagdadalantao ka???????---- Gabriel
"Opo Señor, nagbunga ang ating.....--- Ester
"Teka?? Hindi! Papaanong nangyari iyon? Iisang gabi lang naman tayo nagkasama at hindi ko rin matandaan kung may nangyari nga ba sa atin! Kaya hindi ko masisigurong akin nga ba talaga ang mga batang iyan!--- Gabriel
"At anong tingin ninyo sa akin Señor? Nagsisinungaling? Hindi laruan ang mga nasa sinapupunan ko at karapatan nilang mabuhay! Mabuhay na may kilalang magulang!---- Ester
"Alam ko ang nais mong mangyari Ester subalit hindi ito maaari. Ma mga anak na ako kay El Veyra at...... ---- Gabriel
"At nais mong maging bastardo ang mga anak natin? Pwessss ako ang magpapalaki rito at hindi mo sila makikilala hanggat nabubuhay ako. Ipagpapalagay kong patay ka na. Na patay na ang kanilang iresponsableng ama!---- Gabriel
"Siguro nga'y anak mo sa ibang lalaki ang sanggol sa tiyan mo! Sa ganyang asal mo'y nakikita kong nais mo lamang akong panagutin sa pagiging disgrasyada mo!---- Gabriel
Hindi nakaya ni Ester ang mga binitawang salita ni Gabriel at nakatikim ito ng malakas na sampal mula sa kanya.
"Mas gugustuhin ko pang mabuhay ang sanggol ng walang ama kung tulad mo rin lamang. Wala kang ipinagkaiba sa asawa mo!---- Ester
"Hindi mo ako kilala , Ester!---
"Siguro nga Señor Gabriel pero hindi niyo rin ako kilala kaya wala kayong karapatang pagsalitaan ng ganyan.----
Umalis si Ester ng bahay ng tiyuhing si Ex-Mayor Castillejo ng walang paalam. Punong puno siya ng galit at pighati kay Gabriel. Hindi nito lubos akalaing sasabihin ni Gabriel ang lahat ng masasakit na salita.
Siguro nga dahil sa may mga anak na ito at hindi rin kakayanin ni Ester na ibigay ang mga bata at patirahin sa palacio ng mga Villaverde lalo't kasama nito ang asawa at mga tunay na anak.
Kapalit ng pagiging masaya ni Gabriel dahil sa pagsilang ng kanyang tatlong magagandang supling ay hindi niya lubos akalaing magkakaroon pang muli ng sanggol na nabuo. Hindi pa rin masiguro at matandaan ni Gabriel kung may nangyari nga ba talaga sa kanila ni Ester at kung kanya nga ba talaga ang sanggol na iyon.
Biglang pumasok sa isipan niya ang isang beses na may nangyari sa kanila ni Senyang, isang gabing nagdulot at nagbunga ng pagkakaroon niya ng panganay na babae rito, si Klara. Na hindi niya nasisiguro kung makikita pa nga ba niya.
Gulong-gulo ang isip ni Gabriel na umalis ng bahay ng kanyang Kumpadreng Mayor. Hindi siya nagtungo sa Hospital. Hindi pa rin niya nababalitaan ang nangyari kay Belinda. Patungo nga sasakyan niya sa kanilang mansyon. Nais niyang pumunta sa Forbidden Garden at makapag isip isip.
"Ama, Ina!!! Hindi ko alam ang gagawin ko! Pinangarap kong magkaroon ng isang maganda, perpekto at masayang pamilya. Pero, anong kasalanan ko para parusahan ako ng ganito? Masaya akong nagkaroon ng mga anak subalit may mali! Nagtaksil ako kay El Veyra!-----
Walang tigil ang iyak ni Gabriel sa harapan ng puntod ng kanyang mga nasirang magulang at walang tigil na kinakausap. Ibinubuhos ang kanyang nararamdaman.