Maagang nagising si Klara. Iniwan niyang natutulog pa sa kanilang sili ang kambal.
Tinungo agad niya ang hardin malapit sa gate. Tamang tama at si Mang Roberto ang nakatalaga roon para magbantay. Ngayong umaga kasi ang usapan nila Aaron upang pag usapan ang susunod nilang plano."Mang Roberto! Namataan niyo na ba sa labas ang sasakyan ni Aaron?!---- Klara
"Naku Klara, Oo kanina pa! Bilisan mo lamang at baka maya maya ay magising na si Lady V!--- Mang Roberto
"Maraming salamat po!--- Klara
Mabilis na labas si Klara sa gate at pasimpleng sumakay sa kotse ni Aaron. Tulad ng dati ay pinaandar ni Aaron ang sasakyan at habang nagkukwentuhan ay nililibot niya sa buong compound ang sasakyan.
"Aaron, buo na ang aming pasya. Itakas mo na kaming tatlo mamayang gabi sa mansyon. --- Klara
"Paano natin gagawin iyon? Iba ang bantay sa gate tuwing gabi! Saan kayo dadaan?!--- Aaron
"Abangan niyo kaming tatlo sa likod ng mansyon. Natatandaan mo ba ang Forbidden Garden na minsan nating pinasok?! May lihim na lagusan roon patungo sa labas ng mansyon. Doon niyo iparada ang kotse!---- Klara
"Paano ang mga aso ni Lady V!? Tiyak mag iingay iyon kapag narinig ang sasakyan sa bahaging likod ng mansyon?!---- Aaron
"Oo nga ano!? Paano na iyon!?? Ah alam ko na! Ano kaya kung itulak na lang ninyo ang sasakyan at kapag malayo na ay saka na lamang ito paandarin!?---- Klara
"Ang talino mo sa part na iyon Klara! Kaya mahal na mahal kita e! Hindi ka lang maganda! Matalino na, palaban pa!---- Aaron
"Hay naku, Aaron! Tigilan mo nga ako sa pambobola mo. Kailangan muna natin masiguro ang kaligtasan nating lahat. Hangga't malaya ang Lady V at ang mga tauhan niya ay nakaamba lagi sa atin ang panganib! Ang ikinakatakot ko Aaron!? Paano kung pati kayo ay mapahamak kapag nalaman nilang kayo ang tumulong sa amin! ---
"Klara! Lahat ay gagawin namin para sa taong mahal namin! Buhay man namin ang kapalit!---- Aaron
"Mamayang gabi kapag umalis na ang mag Iina! Narinig ko sa kanilang usapan na sa LV Grande nila balak maghapunan at doon narin matulog. Pag uusapan kasi nila ang tungkol sa pagdaloo ng tatlo sa presscon sa Amerika! Iyon ang hudyat para tumakas kami! Kami na ang bahala sa iba pang kasambahay bastat ihanda lamang ninyo ang sasakyan!---
"Mag iingat kayo Klara! Hindi ko kakayaning may mangyaring masama sa iyo!---
"Ganun din ako Aaron! Mahal na mahal kita!----
"Mahal na mahal din Kita, Klara! Mula ng una tayong magkita sa mansyong iyan ay lagi ka mg laman ng puso't isipan ko. Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin. Maging kamatayan ay hindi tayo kayang paghiwalayin!----
"Huwag kang magsasalita ng ganyan Aaron!---
Nagmamadaling bumalik si Klara sa loob ng mansyon. Buo na ang loob nilang tatlo na umalis mamayang gabi habang nasa LV Grande ang mag iina ni El Veyra.
"Elizabeth, magandang umaga!---- Klara
"Ay susmaryosep! Ano ka ba naman Ate Klara! Ginugulat mo ako!--- Elizabeth
"Grabe ka naman Elizabeth, binati lang kita e nagulat ka. Tulungan na kitang pulutin ang mga iyan. Baka mabubog ka mag-ingat ka!---- Klara