Chapter 13: Surrogate Mother

3 0 0
                                    

"Mr. and. Mrs. Villaverde. Malulusog pa naman ang inyong mga egg and sperm cells. Kaya natitiyak kong magiging malusog ang mga sanggol sa sinapupunan ng magiging tagapagdala nito. ---- Dr. Lardizabal



"Kaya ba ng surrogate mother na magdalantao ng tatlong sanggol sa kanyang sinapupunan? Nais namin ay tatlong sanggol agad ang maging anak namin Doc--- Gabriel


"Opo naman Señor Villaverde, kaya lamang ay magiging maselan ang pagbubuntis niya sapagkat ang magiging surrogate mother ay iisang beses pa lamang na nakakapanganak at naagasan pa ito.--- Doc



"Ano ka mo naagasan? Baka maging mapanganib pa ang mga sanggol sa loob niya! Wala na ba kayong ibang mahanap na surrogate mother?---- Lady V

"Señora Villaverde------

"Shhhh! Shhhh! Shhhh! Lady V! Huwag na huwag mo akong tatawaging Señora----


"Ano ba El Veyra manahimik ka nga! Paumanhin po Dr. Lardizabal. Kami na ang kakausap sa surrogate mother---- Gabriel



"Paumanhin po Lady V, pero natitiyak naman naming malusog rin at malakas ang magiging tagapagdala ng sanggol. Nasa loob siya maaari ninyo siyang kausapin bago namin iplanta ang mga cells ninyo sa kanya----


Higit na mas bata sa mag asawang Gabriel at El Veyra ang magiging surrogate mother ng kanilang magiging mga anak.



"Ikaw ba si Belinda Deogracia? Nais kong malaman mong triplets ang ipaplanta sa sinapupunan mo! Ayaw ko lang na magkakaroon ka ng koneksyon sa mga bata kapag naisilang ito. Trabaho lang walang personalan. Matatanggap mo ang paunang bayad sa ngayon at kapag naisilang ang mga sanggol ay matatanggap mo ang kabuuhan. Maliwanag ba?---- Lady V



"Ano ba El Veyra!? Huwag mo naman tratuhin ng ganyan ang magiging surrogate mother ng mga anak natin. Belinda, pagpasensyahan mo nalang si El Veyra!---- Gabriel



"Naiintindihan ko po Señora El Veyra, kailangan ko lamang talaga ng malaking pera para sa operasyon ng Inay ko---- Belinda




"Shhhhh! Shhhh! Shhhh! Lady V! Its Lady V! Wala akong pakialam sa rason ng pagiging surrogate mother mo. Alam kong pera lang ang kailangan ng mga tulad mong surrogate mother. Ibibigay namin ni Gabriel ang lahat ng magiging kailangan mo sa pagbubuntis. Gusto kong maging magaganda at sexy ang mga magiging anak ko. At ayaw kong maapektuhan ang mga genes namin ng mga gagawin mong routine sa pagbubuntis.--- Lady V




"Saan po ako titira pansamantala habang nagdadalantao ako?--- Belinda



"Sa mansyon ka titira! Gusto ko'y nasusubaybayan ko ang mga sanggol habang lumalaki sila sa sinapupunan mo!--- Gabriel



"Hindi! Ikukuha ka namin ng isang magandang apartment para doon manirahan! Ayaw kong makasalamuha mo ang mga mangmang na katulong sa mansyon. Nakakadagdag stress iyon sa pagbubuntis. Nakapagpahanap na ako ng apartment na titirahan mo! Meron ka naring dalawang katulong na makakasama mo. Ayos na ang lahat. Pakitawag na ang Doltor ng maiplanta na ang mga cells at nasasayang ang oras ko. May meeting pa ako with Alkalde Castillejo---- Lady V




"With Mayor Castillejo? Bakit hindi ko ito alam??? --- Gabriel



"Sa kotse natin pag usapan Gabriel---- Lady V



Maayos na naisagawa ang surrogation. Ipinahatid na lamang ng mag asawa sa kanilang mga tauhan si Belinda sa aprtment na tutuluyan nito. Malapit lamang ito sa Hospital at naroon na lahat ng kakailanganin sa pagbubuntis.



La Tres BastardaWhere stories live. Discover now