Chapter 26: The Last Supper

1 0 0
                                    

Mabilis na hinabol ni Elsa ang dalawang babaeng lumabas sa loob ng mansyon. Hindi siya maaaring magkamali na sina Elena at Leona ang mga babaeng iyon. Ang dalawang babaeng malaki ang kinalaman sa pagkakapatay sa kanyang ama at ina. Ang dalawang ito mismo ang pumatay sa kanilang mga magulang.



Nakalolokong tingin naman ang ibinaling ng dalawa kay Elsa. Alam din ng dalawa na nakilala sila nito.


"Mga hayop sila! Anong ginagawa nila rito sa mansyon!? Bakit sila nakikipag usap kay Lady V!?---- Elsa



Nag iiyak si Elsa ng gabing iyon ng datnan ni Elizabeth galing sa hacienda. Awang awa siya kay Elsa dahil tila takot na takot ito.


"Elsa, anong nangyari sayo!?---- Elizabeth


"Ate! Natatakot ako! Narito sila! Narito sila Ate!--- Elsa



"Sino!? Sinong narito Elsa!? Magsalita ka sino?!---- Elizabeth


"Ate, narito sila! Narito ang mga taong gustong pumatay satin! Ang mga taong pumatay kina Inay at Itay! Natatakot ako ate!----


"Nasaan?! Saan mo sila nakita? May ginawa ba sila sayo?! Nasaan sila!? Ano ba kasing nangyari?!----


"Nakita ko sila na galing sa loob habang ako ay naglilinis sa kusina. Hindi ako maaaring magkamali. Sila ang dalawang babaeng nadatnan natin sa bahay noon at mismong bumaril kina Inay at Itay! ----



"Ano? Galing mismo dito sa loob ng bahay!? Ibig sabihin?!!! ----



"Oo ate! May kinalaman si Lady V sa pagkakapatay sa magulang natin. Natatakot ako ate!----


"Anong nangyayari dito? Bakit umiiyak kayong dalawa?!---- Klara

" Ate Klara! Galing raw dito sa mansyon ang dalawang babaeng pumatay sa Inay at Itay na siyang gusto ring pumatay sa amin!---- Elizabeth


"Ano!? Hindi ito maaari! Hindi ito nagkataon lamang. Pinlano ang lahat ng ito, Elsa, Elizabeth!---- Klara

"Plano!? Anong pinlano?!---- Elsa


"Tulad niyo'y madalas ko ring nakikita sa mansyong ito ang babaeng may kinalaman sa pagkamatay ng Tiya Petty ko at siya ring gustong pumatay sa akin. Nagtatrabaho rin siya kay Lady V tulad ng mga babaeng tumulong noon sa atin! Lahat sila tauhan ni Lady V!?---- Klara


"Magsumbong na tayo sa pulis!---- Elsa


"Hindi! Hawak Ni Lady V ang lahat ng pulis maging ang Mayor dito sa bayan. Wala tayong maaaring hingan ng tulong. Maliban kina Aaron!----

"Alam na nina Sir Aaron ang tungkol dito!?--- Elizabeth

"Nag usap kami noong minsan ni Aaron. Ipinagtapat ko sa kanya ang tungkol sa kalagayan natin dito sa loob ng mansyon. Maging ang taong gustong pumatay sa akin. Ngayon, hindi lang talaga ako ang nanganganib. Pati na rin kayo!---- Klara



"Pero bakit kailangan nila tayong ipapatay? At kung ipapapatay rin nila tayo bakit hindi pa noon. Bakit hinayaan pa nila tayong tumira at manilbihan dito? At anong kinalaman dito ni Lady V!?---- Elizabeth


"Iyan ang kailangan nating alamin! Hindi pwedeng malaman ni Lady V na may alam na tayo tungkol sa kanya at sa kanyang mga tauhan. Kailangan nating maging maingat. Hahanap at hahanap tayo ng tibay na ebidensya para maipakulong natin siya!---- Klara





La Tres BastardaWhere stories live. Discover now