"Saan kayo pupunta? Saan mo dadalhin ang mga bata El Veyra??? Hindi mo maaaring ilayo sa akin ang mga anak ko!---- Gabriel"Hindi ko ilalayo sa'yo ang mga bata Gabriel! Ayaw ko lamang na lumaki sila rito sa Villaverde na napaliligiran ng mga pipitsuging tao. Gusto ko silang lumaking may class at breeding at sa Estados Unidos nila makukuha iyon.---- Lady V
"At gusto mong manahin nila ang ugali mong makahayop at demonyo? Hindi ito maaari, El Veyra!----
"Kung gusto mo Gabriel sumama ka! Sa Estados Unidos tayo maninirahan! Napakasimple! ---
"At paano ang negosyo? Ang planta? Ang Rancho? Ang Kumpanya!---- Gabriel
"Gabriel! Gabriel! Napakarami mong dahilan! Napakadali lamang ang magbalik balik sa Pilipinas. Mayroon din akong negosyo at iyon din ang balak ko. Gusto ko lang na sa Amerika mag aral ang mga LV's Princessess ko. ----
Napagdesisyunan ng mag-asawang sa Estados Unidos manirahan ang kanilang mga anak at doon mag aaral. Nagpapabalik balik sila sa Pilipinas para sa kanilang mga negosyo. Pero si Gabriel ay madalas sa Pilipinas dahil ayaw na ayaw nitong mapabayaan ang hacienda.
"Robles, gusto ko pagbalik sa Pilipinas sa susunod na buwan ay ayos na ang mga papeles para sa pagtatayo ng LV Casino Royale! Malaking pera ang ipapasok nito sa Villaverde. Itetelevise ko ito sa Amerika at natitiyak kong dadayuhin ito ng mga Gambling Lords sa Las Vegas at sa buong mundo!---- Lady V
"Huwag kang mag alala Lady V! Kung gusto mo ngayon palang pirmahan ko na ang mga business permits mo! At ng habang nasa Amerika ka ay patuloy ang trabaho sa Casino Royale. Para pagbalik mo ay bubuksan na ito!--- Mayor Robles
Wala ng nagawa si Gabriel at Roco na pigilan ang Casino Royale na ipinatatayo ni El Veyra. Suportado ito ng buong bayan ng Villaverde at maging lalawigan. Si El Veyra ang kinikilala nilang Panginoon sa buong bayan at mga sunod sunuran lamang ang lahat ng naluklok sa pwesto.
Lumalaking magaganda, matatalino at maluluho ang mga anak ni El Veyra at Gabriel. Sinanay ito ni El Veyra na maging katulad niya.
"I can''t wait to go back to the Philippines Mom! I really miss my Dad!---- Elvrid
"Oh! Common Darlin'! I'll make sure before your Grand Debut next month we will go back to the Philippines!--- Lady V
"Nippy, nakahanda na ba ang lahat para sa Grand Debut ng aking mga LV's Princessess!? Gusto ko'y engrande ang gayak ng buong Palacio PolVerde! Imbitahan lahat ng mayayamang tao sa buong lalawigan! Gusto kong ipakilala sa kanila ang susunod na tagapagmana ng buong Villaverde!" Lady V
"Everything is settled, Lady V! Kayo na lang ang hinihintay sa Pilipinas!---- Nippy
Napakaganda ng gayak at ayos ng buong Palacio PolVerde. Doble ang iginanda nito sa naganap na Welcome Party noon. Ang mga anak ni El Veyra at Gabriel ang nasunod sa naging ayos ng buong Grand Venue Hall.
Nagtapos bilang Interior Designer sa isang sikat at prestihiyosong University sa Amerika si Elvrid.
Isa namang mahusay at magaling na Business Woman itong si Astrid at tila siya ang nakamana ng galing sa pagpapalakad ng negosyo ni El Veyra at Gabriel.
Isa namang ganap na Jewel Experts si Ingrid. Siya ang nagdedesinyo ng mga bagong alahas na inilalabas at iniexhibit ng LV Jewels worldwide.