"Bitawan niyo ang kapatid ko! Bitawan niyo si Elsa! Ano bang ginawa niya sa inyo?---- Elizabeth
Pagdating ni Elizabeth sa bahay nakita niyang piangtutulungan ng mag inang Lady V at Lady Ingrid ang kanyang kakambal. Hawak din ng ibang kasambahay si Klara na nagpupumiglas at nagmamakaawa.
"Anong ginawa? Ha! Ha! Ha! Ang kapal talaga ng pagmumukha niyong magkapatid kayo. Akala niyo ba makukuha niyo ng ganun ganun lang ang magkapatid na Llamanzares! Out of the box ang mga isip nyo! ---- Ingrid
"Wala po akong ginagawang masama! Mahal ako ni Rusty at mahal ko rin siya! --- Elsa
"Mahal? Mahalin mo ang mukha mo! Ang taas naman ng pangarap mo. Hindi ka kailanman gugustuhin at mamahalin ni Rusty. Gusto lang niyang matikman ang katawan mo. Iyon ang totoo!---- Ingrid
"Hindi totoo iyan! Maawa na kayo! Bitawan niyo ako! Paalisin niyo na kami sa mansyong ito!---- Elsa
"Tama Mom! Palayasin mo na ang mga ahas at basurang iyan sa palacio! Ewan ko nga ba at nagawa mong mag alaga ng mga tulad nila sa bahay. Tuloy tayo ngayon ang tinutuklaw!---- Astrid
"Hindi sila pwedeng umalis sa bahay na ito!---- Lady V
"At bakit Mama? Hihintayin nating isa isa tayong ahasin ng mga mutsatsang iyan. Halika nga rito! Sa tingin mo nakalimutan ko ang kalandian mong ginawa sa stockroom. Akala mo maloloko niyo ako ni Klyde. Matagal na siguro niyo akong ginagago. Mga walang hiya kayo. Ang bababoy niyo.!----- Astrid
"Bakit Astrid? Anong ginawa sayo ng isang iyan at ni Klyde!---- Lady V
"Nakita ko sila mismo sa loob ng stockroom at gumagawa ng milagro!---- Astrid
"Alam mong hindi totoo iyan, Ma'am Astrid! Gumagawa ka lang ng kwento at ikagagalit mo!--- Elizabeth
"At sumasagot ka pa! Magsilayas kayong lahat! Lumayas kayo!---- Astrid
"Get out! Wala kayong puwang sa pamamahay na ito!--- Ingrid
"Talagang lalayas kami! Matagal na naming gustong kumawala sa Demonyong Bahay na ito!--- Klara
"Walang aalis sa pamamahay na ito! Magsibalik na kayo sa inyong mga silid, Mga anak! At kayo! Walang kakain sa inyo at matutulog. Tapusin ninyo ang mga trabaho niyo!---- Lady V
Walang awang ipinagngudnguran ng magkapatid na Astrid at Ingrid ang kambal na sina Elizabeth at Elsa.
Hindi matanggap ng mga ito na ang gusto at mahal ng magkapatid na Llamanzares ay ang kanilang mga katulong at hindi silang mga mayayaman. Mas lalong hindi matanggap ng tatlong magkakapatid na hindi pumapayag ang kanilang inang si El Veyra na palayasin ang mga ito.
"Kung hindi niyo magagawang palayasin ang mga hampaslupang iyon. Ako mismo ang lalayas sa bahay na ito. Kaya ko na ang sarili ko! I can't live with those fucking maids!---- Astrid
"Me too! Kayang kaya kong manirahan sa LV Jewels. At ako ang masusunod sa lahat ng gusto ko!---- Ingrid
"Hindi niyo ako naiintindihan! Hindi natin pwedeng palayasin ang mga bastardang iyon sa palacio! Malaking gulo ang sasalubong sa atin kapag nangyari iyon!---- Lady V
"Ano? Eh mas malaking gulo na nga idinudulot nila sa bahay na ito. Mga sulutera at mang aagaw sila. Mama naririnig mo ba ang sarili mo?---- Elvrid