Chapter 3: Kapatid

0 0 0
                                    

Maagang nagising ang mag-asawang Don at Donya. Pinatawag nilang lahat ng mga kasambahay at naglilingkod sa mansion. Dahil ayaw nilang ilihim ang gagawin nilang pagpapanggap sa harap ng Señor Gabriel nila.

"Ipinatawag ko kayong lahat para sa isang kooperasyon. Ayaw ko na at ayaw na namin ng Donya Elenita ninyo ng maraming tanong at usap usapan kaya minabuti naming sabihin sa inyo ang aming plano tungkol sa pagkakaroon ng kapatid ni Gabriel---- Don Sebastian

Naguguluhang nagtinginan ang mga kasambahay ng mansion.

"Tama kayo! Magkakaroon kami ng bagong anak ni Don Sebastian ninyo. Anak na magiging regalo namin kay Gabriel sa susunod na taon na kanyang kaarawan. Gusto kong maging espesyal ang araw ng kanyang kaarawan sa susunod na taon kaya nais ko ng inyong kooperasyon! Handa na ba kayo sa ating plano?--- Donya Elenita

Sumang ayon ang lahat ng kasambahay sa mag asawa kahit may halong pag aalinlangan at punong puno ng katanungan sa isip nila kung bakit at paano?

Subalit matapos ang mahabang paliwanag ay nalinawan sila sa nais mangyari ng Don at Donya at doon ay naluha sila sa sobrang paghanga at pagmamahal ng mag-asawa kay Gabriel.

Mula ng araw na iyon ay magpapanggap na buntis Donya Elenita sa loob ng mansion.

Mula ng araw na iyon palalabasin nilang apat na buwan na ang kanyang tiyan at sasabihin nalang niyang hindi siya malaking magbuntis.

Naglagay ng kung aparato sa loob ng damit ng Donya para magmukha siyang buntis sa harap ni Gabriel at ng mga kasambahay. Hindi rin lalabas ng mansion si Donya Elenita.

Hindi na rin muna siya makapagsisimba at makakadalo sa anumang uri ng kasiyahan. Palalabasin niyang maselan ang kanyang pagbubuntis sa harap ng mga kasambahay at sa mga di nakakaalam ay palalabasing nasa ibang bansa si Donya Elenita upang sa gayon ay hindi mag usisa ang tao kung bakit hindi nila ito nakikita sa tuwing lalabas at mamasyal ang mag ama. Nasabihan narin ang mga tao tungkol sa pag-alis ng Donya patungo sa ibang bansa.

Mula ng araw ring iyon ay bawal na munang lumabas si Gabriel sa mansion upang maiwasan ang pagtatanong ng mga tao at pag uusisa niya sa mga ito. Ipinaalam na din nila kay Gabriel ang pagbubuntis ng kanyang Ina kaya labis labis ang tuwang nadarama nito.

"Yipeeeee! Hindi na ako lalabas ng mansion! Magkakaroon na ako ng kapatid! Maraming maraming kapatid! Natupad ni Papa God ang wish ko Ina noong nakaraang kaarawan ko! Hindi na ako makahintay sa paglabas ng baby. Sana maging ka Birthday ko siya Ina. Maaari po ba iyon------ Señor Gabriel

"Oo naman anak. Pipilitin ni Inang Ilabas ng mismong araw ng birthday mo ang baby para maging kabirthday mo. Pero---- ipapangako mo kay Ina na magiging mabait kang bata at hindi na magiging pasaway kaylanman. ---

"Opo naman Ina! Mula ngayon magpapakabait na ako. Aalagaan ko ikaw ng mabuti lalong lalo na ang magiging kapatid ko! Excited na ako Ina----

Halos maluha si Donya Elenita sa labis na kaligayahang nakikita nya sa mga mata ni Gabriel. Makikita ritong gustong gusto nitong magkaroon ng kapatid. Kaya naman pinipilit niyang magpakatatag para rito. Ayaw niyang makitang naaawa sa kanya ang asawa at gusto niya laging malakas at masigla sa harap ni Gabriel anumang oras.

Masayang masaya ang mga trabahante ng araw na iyon sapagkat malayo pa lang ang sasakyan ni Don Sebastian ay ipon ipon na sila sa hapag kung saan magaganap ang masarap na pananghalian kasama ang kanilang mahal na amo.

La Tres BastardaWhere stories live. Discover now