Hindi makatulog si Donya Elenita ng mga sandaling iyon. Nag pabiling biling siya sa kanyang higaan. Pinagmasdan niyang mabuti ang mahimbing na natutulog na mag ama. Hindi pa rin siya mapakali kaya't nagtungo siya sa baba. At tamang tama, gising pa ang mga kasambahay at nag liligpit pa sa kusina.
"Magandang gabi po Donya Elenita! Bakit gising pa po kayo? ---- Mayor Doma
"Hindi ako makatulog Yaya Corazon. Maaari ko ba kayong makausap ?---- Donya Elenita
"Ganun po ba Donya Elenita. Sige po susunod po ako sa inyo sa Veranda. Tatapusin lang namin ang ginagawa rito sa kusina.----
"Sige Yaya Corazon. Salamat!----
Matamang pinagmasdan ni Donya Elenita ang buong kabahayan. Ang mga naglalakihang litratong nakasabit sa dingding. Pinagmasdan niyang mabuti ang malaking litrato ng kanyang yumaong biyenan.
"Sana'y matulad si Sebastian sa inyo Don Ventura. Ang magkaroon ng mahabang mahabang taon, lalo na si Gabriel.----
"Donya Elenita! Donya Elenita!---- Yaya Corazon
"Yaya Corazon, narito ako sa sala!----
"Ganun po ba? Sa likod na po kasi ako dumaan. Nariyan po pala kayo! ---
"Handa ka na ba sa pag-uusapan natin?---
"Mukhang seryoso po ang pag-uusapan natin Donya Elenita? Tungkol po ba saan ito?---
"Yaya Corazon , matagal ka nang nagsisilbi sa pamilya Villaverde. Hindi matatawaran ang iyong serbisyo mamula noong bata ka pa ay dito ka na sa Villaverde nagkaisip at nagkaedad kaya...----
"Donya Elenita, parang awa ninyo na po huwag ninyo po akong tatagkalin sa trabaho? May nagawa po ba akong hindi ninyo nagustuhan? Patawarin ninyo po ako----
" Ha! Ha! Ha! Yaya Corazon, ano ka ba? Hindi kita tatagkalin sa trabaho! Pinasasaya mo naman ako sa naging reaksyon mo. Hihingi lamang ako sayo ng pabor. Isang malaking pabor----
"Susmeio. Akala ko po kaya ay... Ha! Ha! Ha! Ano po bang pabor iyon? Basta para sa inyo Donya Elenita , lahat kaya kong gawin..---
"Gusto kong magkaroon ng isang malaking sorpresa para sa aking mag-ama bukas ng umaga. Gusto kong ipagluto natin sila ng isang masarap na almusal. Sorpresa rin para sa lahat ng tao rito sa Mansion. Gusto kong sama sama tayong lahat mag almusal bukas ng umaga!---
"Huwag po kayong mag-alala Donya Elenita. Kayang kaya po naming ihanda ang lahat. Hayaan ninyo po't sasabihan ko ang mga kasambahay na gumising ng mas maagap bukas para sa isang masagana at masayang almusal-----
"Hindi lang iyon. Nais kong buong gabi ay magtatrabaho tayo. Lilinisin natin ang buong Mansion ngayon rin. Kailangang maganda , maayos, presentable at bago ang ayos ng Mansion. Magpalit ng mga kurtina sa mga bintana, ang bihis ng mga upuan sa sala. Magpadeliver ka rin ng mga sariwang bulaklak mula sa Armida Flower Shop. Sabihin mo'y bukas na alas quatro ng umaga'y dapat andito na ang mga bulaklak. Isa pa, nais kong ang VERANDA ang pinakamagarbo sa lahat ng makikita sa Mansion. Tinitiyak kong paparating rin ang mga kaibigan ko bukas at mga ibang kamag anak, isang malaking sorpresa ang ihahanda natin . Kaya nais ko ay mag simula na tayo ngayon para maagang matapos. Puntahan mo na silang lahat sa quarters nila----
"Ah! Eh!! Sige po Donya Elenita. Ora mismo! Nasasabik po ako sa isang napakalaking sorpresang iyan. May katagalan narin ang huling selebrasyong naganap rito sa Mansion.!----