Chapter 30: Hell Game

1 0 0
                                    

Hindi makapaniwala ang mga anak ni El Veyra na gagawin ng kanilang Ina ang bagay na iyon. Kahit alam naman nina Klara, Elizabeth at Elsa na mapanganib ang hamong ibinibigay sa kanila ni Lady V ay buong tapang nila itong tinanggap.


Walang nagawa sina Aaron ng igapos sila ng mga LV Goons ni El Veyra. Sa loob ng isang malaking Hall sa Caza Amigas ay nakagapos sa mga haligi ang magkakapatid na Llamanzares, si Doña Veronica at maging sina Elvrid, Astrid at Ingrid ay ipinagapos rin ni El Veyra.


"Kapalit ng bawat buhay ng mga LV Angels ko ay buhay ng bawat isa sa inyo Llamanzares Brothers! Siyempre kayong tatlo lang! Si Veronica! No! Kami ni Veronica ang magtutuos sa Final Game! Ha! Ha! Ha!
Panoorin niyo kung paano patayin ng mga LV Angels ko ang mga bastarda, Llamanzares Brothers! ---- Lady V


"Hayop ka Lady V! Huwag mong gawin yan! Kami nalang ang patayin mo! Alam naming papatayin mo rin kami manalo o matali man kami sa laro mo!---- Aaron


"Ayyy! Napakabilis mo namang magets ng game! Ha! Ha! Ha! E yun naman pala e! Manahimik ka na lang diyan at baka tapusin na agad kita kahit hindi pa nagsisimula ang laro!--- Lady V

"Sigurado ka ba Lady V!? Hindi namin sila papatayin? Pero sila maaari kaming mapatay!?---- Anita

"Basta't huwag niyo lang uutasin ng tuluyan ang mga bastarda! Kahit gatiting lang na hininga! Basta't ako ang tatapos sa kanila!---- Lady V


"Lady V! Simulan na natin ang demonyong larong ito at ng matapos na! Ikaw ang isusunod ko kapag naubos namin ang mga alalay mo!---- Elizabeth

"Masyado Kang mainit Elizabeth!
Sige! LV Goons! Ilabas na ang mga armas na maaaring gamitin ng ating mga players!!
Ha! Ha! Ha! --- Lady V



Isa isang may dalang armas ang mga LV Goons. Ibat ibang klase ng patalim at sandata ang dala ng mga ito. Iba't iba ang sukat at iba't ibang uri.

"Are you ready! Let the Hell Game begin! Ha! Ha! Ha! ---- Lady V


Umalingawngaw ang halakhak ni Lady V sa buong Hall ng Caza Amigas. Nasa bahaging itaas siya katabi ang kanyang mga LVs Angels. Lahat ay punong puno ng tensyon at kaba sa magaganap na patayan sa pagitan ng mga bastarda at LV Angels.



Unang isinabak ni Lady V ay sina Arnie, Glaira at Anita. Kumuha ang mga ito ng tig iisang armas. Tigdadalawang samurai ang hawak ng LV Angels. Samantalang kumuha naman ng tig iisang mahabang tubo at katana ang magkakapatid na sina Klara, Elizabeth at Elsa.



"Para sa mga magulang nating pinatay ni Lady V! Ipapanalo natin amg labang ito!---- Elsa


"Para kay Tiya Petty at kay Señor Gabriel! Sa aking mga mahal sa buhay!---- Klara


"Para sa lahat ng inapi at tinapakan ni El Veyra Villaverde! Sugod!----- Elizabeth





Pagdating ng mga kapulisan at sundalo sa bayan ng Villaverde ay agad silang hinarang ng mga bantay rito. Naroon din si Mayor Robles.


"Hindi kayo maaaring pumasok sa bayan ng Villaverde. Nakasailalim kami sa Total Lockdown. May mga kriminal sa loob ng aming bayan at hindi pa ito nahuhuli kaya mahigpit kami. Kahit mga kapulisan sa ibang lugar ay hindi namin pinapayagang makapasok!---- Mayor Robles


"Papasukin mo kami! Utos mula sa itaas. Galing sa Heneral at pirmado ng Presidente. Kung may kriminal man sa bayang ito ay kayo iyon. Kaya! Men! Arestuhin silang lahat at bawian ng mga armas, chapa at lisensya. --- General Markus Ebardolaza


La Tres BastardaWhere stories live. Discover now