Chapter 19: Face Off

1 0 0
                                    


"Nasaan ako?! Mga hayop kayo!!!! Nasaan ako!? Nasaan ang Tiya Petty ko!? Anong ginagawa ko rito!?----- Klara



"Inaaaayyyy! Itaaaaayyyy! Nasaan kayo??? Anong ginawa nila sa inyo? Anong kasalanan namin sa inyo?---- Elizabeth



"Mga wala kayong puso! Mga hayop kayong lahat! Magbabayad kayo!--- Elsa


"Nakakatuwang pakinggan ang sigaw ng mga bastarda ni Gabriel sa loob ng bodega ! Ha! Ha! Ha! ---- Lady V


Nagising si Klara at kambal na sina Elizabeth at Elsa sa loob ng isang madilim na bodega. Walang tigil ang kanilang sigaw at pagmamakaawang sila'y palayain doon. Ngunit tila walang nakakarinig sila.


Tuwang tuwa namang pinakikinggan ni Lady V ang magkakapatid sa pagsisigaw at pagmamakaawa.




"Sino kayo? Bakit nakagapos rin kayo sa bodegang ito?---- Klara



"Ako si Elizabeth at siya naman ang kakambal kong si Elsa. Hindi ko rin alam kung bakit narito kami. Ang huling natatandaan ko ay nagmamadali ang aking ama at ina na ilayo kami sa mga humahanap raw sa amin. --- Elizabeth




"Wala na ang Inay at Itay, wala na sila. Mga wala silang kaluluwa. Walang awa nilang pinagpapatay ang aming mga magulang! Makatakas lang ako rito'y magbabayad ang mga gumawa nito sa atin--- Elsa



"Pero paano tayo makakatakas rito? Ni hindi nga natin alam kung nasaan tayo? Napakadilim at napakalawak ng bodegang ito!---- Klara




Naririnig ni Lady V ang lahat ng pinag uusapan ng magkakapatid. Tila musika sa kanyang pandinig ang walang tigil na paghihinagpis ng mga ito.



"LV Angels! May ipagagawa ako sa inyo. Nagbago ang plano ko! Hindi ako masisiyahan kung papatayin ko na lamang ng ganun ganun ang mga bastarda. --- Lady V




"Anong nais ninyong gawin sa mga bastardang iyan Lady V?--- Nympha




"Gusto ko muna silang maghirap at danasin ang miserableng buhay sa mga palad ko! Unti unti kong ipatikim sa kanila ang kamandag ko at saka ko sila tutuluyang patayin! Ha! Ha! Ha!--- Lady V




"At anong maitutulong namin sa nais ninyong mangyari Lady V? --- Leona



"Masyadong madrama ang buhay ng mga bastarda at ayaw kong maiyak! Dagdagan natin ng aksyon! Tawagin ninyu ang mga LV Goons na bumuhat sa kanila! Gagawa tayo ng isang palabas at ako ang direktor! Ha! Ha! Ha! Ha!----- Lady V




"Anong gagawin ninyu sa amin? Sino kayo? ---- Klara





"Magaganda at sariwa pa talaga itong mga nabingwit natin mga pare! Tamang tama tig iisa tayo! Ha! Ha! Ha!---- Roger




"Maawa po kayo sa amin! Huwag ninyu kaming papatayin!--- Elsa




"Mga hayop kayo! Huwag kayong magkakamaling buhayin kami at kami mismo ang papatay sa inyu!--- Elizabeth



"At sinong may sabing papatayin namin kayo. Mag eenjoy nga kayo sa gagawin namin e! Ha! Ha! Ha! Simulan na natin ang palabas ! Ha! Ha! Ha!----- Ruben





La Tres BastardaWhere stories live. Discover now