Chapter 10: Lady V

0 0 0
                                    

Matapos ang natuklasan sa Pilipinas ay may nabuong pasya si El Veyra. Galit na galit siya sa mga Villaverde. Lalo na kay Don Sebastian.




"Wala ng dahilan para paghigantihan ko si Don Sebastian! Dahil mahal na mahal niya ang kanyang anak na si Gabriel! Si Gabriel ang sisingilin ko sa pagkakautang ng kanyang mga magulang! Ha! Ha! Ha! Napakalaki ng utang nila! Hindi nila alam ang pinag daanan ko matapos mamatay ang aking mga magulang! Habang sila'y nagpapakasaya at kumpleto sa Pilipinas noon, ako'y naiwan sa Amerikang nag-iisa. Walang magulang, iniwang ng konting yamang hindi ko alam kung paano ko palalaguin.
Pero, tapos na ang paghihirap mo, El Veyra. Its time to show, who's the real Lady V!----





Inihanda ni El Veyra ang lahat ng kanyang kakailanganin sa pagbabalik sa Pilipinas.
Una sa plano niya ay mawala sa landas niya si Don Sebastian, gawing miserable ang buhay ni Gabriel at ang buong Villaverde.




"Ako ang bagong magiging reyna ng bayan ng Villaverde. Hahalik silang lahat sa paa ko. Ipapakita ko sa kanila kung sino ang tunay na El Veyrang sa tingin nila ay kanilang kilala.---




"Nakahanda na ba ang lahat, Nympa!? -- El Veyra




"Yes Lady V. May tawag nga po pala sa yo kanina mula sa Pilipinas. Nailibing na daw po si Don Sebastian ngayon ngayon lang!--




"Ohhh. Poor! Mabuti naman at wala ng sagabal sa pagbabalik ko sa Villaverde. Ayaw ko ng may matanda at amoy lupa sa mansyon na titirahan ko. Si Gabriel daw ba kumusta?---




"Matapos po ang libing ay, susunduin lamang daw niya kayo sa airport pero hindi na maihahatid sa Villaverde sapagkat may 1 month travel meeting daw sya sa Espanya.---



"Mas mabuti. Ha! Ha! Ha! Tingnan mo nga naman ang tadhana Nympa! Ako ang magpapalakad ng Hacienda sa loob ng isang buwan, pero napakaikli naman ata niyon. Hindi ako mag eenjoy sa mga gagawin ko. Tawagan mo ang mga assets natin sa Espanya. Sabihin mo'y gawan ng paraang mapatagal pa ng kahit kaunti lang ang pag i stay ni Gabriel sa Espanya! Ha! Ha! Ha!----




"Masusunod po , Lady V!----




Nang araw na umalis si El Veyra sa mansion ay tuluyan ng na stroke si Don Sebastian. Ni hindi na makapagsalita at makalakad. Lungkot na lungkot si Gabriel sa nangyari at wala man lang siyang nalaman tungkol sa pag uusap ng dalawa. Makalipas ang isang buwan ay namatay si Don Sebastian na labis na pinagluksaan ng buong Villaverde.





May kaunting hinanakit si Gabriel sa asawang si El Veyra sapagkat hindi man lang ito nagpakabalik balik kung kailan kailangan niya ng kausap at makakasama.





Ang pagkamatay ni Don Sebastian ay nagdulot kay Gabriel nang labis na pagkalungkot at sa buong isang linggong burol ni Don Sebastian ay wala siyang ginawa kundi mag inom at makipaglasingan sa labas ng bayan ng Villaverde. Sa lagay na iyon ang akala niya'y hindi siya makikilala ng mga tao pero nagkamali siya sapagkat pinagpapantasyahan ng mga kababaihang nakakakilala sa kanya.



Sa katunayan, napagtripan pa siya ng mga lasing sa kanto ng umuwi siyang lasing mag isa at hinarang ang kanyang sasakyan buti nalang at may tumulong sa kanyang matanda at iniuwi sa bahay nito saglit.





Tuwang tuwa naman ang anak na dalaga ng matanda na halos may 10 taon ang bata sa edad ni Gabriel. May lihim na pagtingin ang dalagang ito kay Gabriel mula ng bumalik si Gabriel sa Pilipinas at hindi siya makapaniwalang narito sa munti nilang tahanan ang kanyang pinapangarap na lalaki.




La Tres BastardaWhere stories live. Discover now