Chapter 17: Pasabog

1 0 0
                                    

"Sigurado na po ba kayo Señor Gabriel sa desisyon niyong ito? Hindi na ba talaga magbabago ang isip ninyo?---- Atty. Pedrigal





"Hinding hindi na Atty. Buo na ang loob ko! Magalit na ang magagalit! Its my properties at ako ang masusunod dito! Huwag sana muna itong malaman ng pamilya ko. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila! --- Gabriel





Malalim ang tulog ni Gabriel ng pumasok sa kanyang kwarto si El Veyra. Mula pa man noon ay hindi na nagsisiping at nagsasama ang mag asawa.




Namataan kasi ni El Veyrang nakipagkita itong si Gabriel kay Atty. Pedrigal at malakas ang kutob ni El Veyra na tungkol ito sa Villaverde Realties.




"Nakita rin kita! Nakapagpagawa na pala ng Last Will and Testaments ang matandang ito! ----



"El Veyra anong ginagawa mo rito sa silid ko? ---




"Ah! Eh! Wala Gabriel! Titingnan ko lang sana kung nakakatulog ka ba ng mahimbing! Kung naiinom mo ang mga gamot mo! ----




Hindi alam ni El Veyra ang sasabihin sa asawa.  Buti na lamang at madilim, naibalik niya ng pasimple ang papeles sa sulong.




"Ayos lamang ako El Veyra. Salamat sa pag aalala mo! Ano ba talagang kailangan mo?---




"Ah wala! Sige lalabas na ako! Magpahinga ka na!----





Lumipas ang mga araw ay nalaman din El Veyra ang tungkol sa papeles na ipina asikaso ni Gabriel kay Atty. Pedrigal. Hindi matanggap ni El Veyra ang nilalaman ng testamentong iyon.




"Hayop ka Gabriel! Demonyo ka rin! Paano mong nasikmurang hindi man lang bigyan ng konting pamana ang tatlo mong anak? ---- Lady V





"El Veyra! Sandali! Magpapaliwanag ako!--- Gabriel




"Hindi mo mabibilog ang ulo ko Gabriel!---



"Hindi mo ako katulad El Veyra na mambibilog ng ulo! Sinadya kong hindi bigyan ng mana ang tatlo sapagkat alam kong may mamanahin siya sa iyo. Higit na malaki ang mga properties mo at hindi mo rin maikakaila sa aking nakuha mo na ang ibang yaman ng Villverde Realties ng ganun ganun na lamang. Isa pa, alam kong kayang kaya ng mga anak natin ang kanilang sarili. Nagagawa na nilang magpatakbo ng negosyo at napapalago na rin nila ito. Kaya ano pang ipaghihinanakit mo El Veyra!---



"Kahangalan Gabriel! At sinong makikinabang sa mga kayamanan at ari arian mo? Ang mga trabahante? Ang mga muchacha? Nahahangal ka na Gabriel! --- El Veyra



"Mas gugustuhin kong mapunta sa mga trabahante ang hacienda, El Veyra. Dahil kapag napunta ito sa mga anak natin natitiyak kong hindi nila ito mapapatakbo ng maayos. ----



"At ako Gabriel? Wala kang tiwala sa akin pagdating sa hacienda?! Alam din naman nating wala sa hacienda ang hilig ng mga bata kaya wala tayong magagawa rito. Magkakaroon ng gulo sa hacienda kapag napunta sa kanila ang lupa at pagawaan. Mag aaway away sila at mag aangkinan. At hindi ko iyon hahayaang mangyari!----



"Hindi mangyayari ang iniisip mo El Veyra. Hindi ko naman ibinibigay sa kanila ng buo ang buong hacienda, 40% nito ang sa kanila at ang 60% ....----



La Tres BastardaWhere stories live. Discover now