#MSeries2Nag ayos ako para breakfast. Ako nalang ang hinihintay kaya ng maupo ako ay nagsimula na kami. They usually go to office earlier than me. Minsan lang rin kami magsabay sa agahan katulad nito. And whenever I am called for dad's office or even not in his office there's something important I need to know more so I need to do.
"Mr. Salve is planning to invest. But he wants to discuss it with his son first..."panimula ni daddy sa kalagitnaan ng breakfast.
"Why need to ask for his son, by the way?"
"Because his son is the acting CEO of their company as of the moment. Carlos Sr. is taking medication for now so he appointed his son. Anyway, malalaman rin naman natin 'yan one of this days kapag may nag email na. Kaya ikaw, Martina..."
"Ako po?"tanong ko, naguluhan.
"Yes. If there's any requests coming from Salve Corporation, you'll take charge on it. Okay?"aniya.
I bit my lower lip. Kinuha ko ang baso ng tubig at uminom. What is it now, dad?
"I'll think about it, dad..."
"No! Don't think about it and just do it. Sabi ko naman sayo dati pa na basta sumunod kalang at gawin mo ang trabaho ay walang problema. And it's a simple job for you to do. After all, we're talking about the betterment of our company. Kung may gagawin ka mas mapapalago pa natin ito sa mga susunod na taon. Cooperation is one of our assets."mariin niyang tugon.
"Yes, I know. But I have so much workload in my office desk na hindi ko pa nagagalaw dahil sa mga past events mo na gusto mong puntahan ko..."huminga akong malalim.
"You should pass it to Rocco since he won't be busy by this week."sabay baling kay Rocco na tahimik lang.
"No. I will do it. I'll just manage my time this week so I can do your appointments instead."matabang kong sagot at tumayo na."Excuse me..."
"Martina!"
"Okay. That's enough, Aryel..."saway ni Haide rito.
Napailing ako at umakyat sa aking kwarto.
I usually go to office with my own driver. Daddy always drive his own car with Haide and Rocco. I never ride with them going to work even once. Sanay narin naman ako. Sinalubong agad ako ni Jackie, ang aking assistant para sa mga ipapasa kong papel ngayong araw. I opened my computer and started doing my obligations. I felt anxious whenever I look at the piles of my pending paperworks na sigurado akong last month pa iyon. Though hindi naman ako pressured sa deadline pero pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao dahil hindi ko matapos tapos 'to. If he'd only go to his appointments personally I would've done this shits.
Napailing nalang ako at tinutok ang mata sa monitor ng aking computer. I even forgot about the lunch time. Kung hindi pa siniwang ni Jackie ang ulo niya sa pintuan ng office ko hindi ako makakapaglunch.
"Miss, kanina pa po ang lunch..."
Tuliro ako ng sinipat ang relo. It's passed twelve thirty!
"Nag lunch kana? Can you order for me, please? I'm very busy."naiiyak ko ng sabi.
Tumango si Jackie at ngumiti. "Okay po! No problem."
Nasapo ko ang noo ang nong umalis na siya. Working lunch an ginawa ko. I really spent all my afternoon on my paperworks and ignored some calls. May ibang oras pa naman ang pagsagot sa mga tawag kaya dapat ito muna ang unahin ko.
"Alas singko na po, Miss."bilin ni Jackie dahil may pinasok siyang karagdagang papel na naman.
"Okay. Umuwi kana..."
"Pero hindi pa po kayo tapos?"
"Patapos na ako, Jackie. Ayos na."then I closed the computer for her to believe.
She clap her hands. "Congrats, Madame! More energy for tomorrow. Una na ako!"
"Salamat!"
I fixed the messed papers on my desk and fix myself before getting my bag so I can go home. I can't believe it. I finished half of it just afternoon! Malaki ang ngiti ko ng lumabas sa aking opisina ngunit bigla ring nawala nang makita si Rocco na nag aabang habang nakapamulsa.
"Bakit?"
"Dinner."he said curtly.
"Sina Dad?"
"Meetings..."
Dahan dahan akong tumango at ngumiti. "Samgyupsal?"
"Sure..."tapos naunang maglakad.
We're in our usual spot sa ng samgyupsal. Nasa pinakadulo iyon at sa gilid namin ang large glass wall na kita ang street lights. The Korean song is very relaxing mixed with the frying sound on our table. Tag isang Suju rin kami kaya habang niluluto niya ang meat ay uminom naman ako.
"Kain na tayo..."sabay kuha ng pagkain dahil gutom na.
Tahimik siyang tumalima at kumain na rin. Favorite niya itong samgyupsal kaya kapag hindi kami busy ay niyayaya ko siya. He's a bit shy to everyone so I always ask him instead.
"May girlfriend ka?"tanong ko.
He only shook his head and focused on his food.
"Bakit wala?"usisa ko pa.
Binaba niya ang chopsticks na gamit at taimtim akong tinitigan. "Dahil hindi ko pa gusto."
"Oh!"I laughed amusingly at his answer. "Sa bagay, bata kapa naman. Ilang taon ka nga?"
"Twenty..."
Namilog ang mata ko. Akalain mo 'to? Twenty pa pero makisig na! When puberty hits you nga naman.
"Do you have a boyfriend?"seryuso niyang tanong.
Umiling iling ako. "Sa dami ng pinapagawa ni daddy sa akin sa tingin mo may oras pa akong magboyfriend?"
He nod once. "I heard your friend Mikaela has a lot of it."
"So? Si Mika lang 'yon. Wala akong alam jan. Si Jackie, 'yong assistant ko, may crush 'yon sayo. Lumabas nga kayo minsan."sulsul ko sa kanya.
He chuckled at that. "Hindi ko pa gusto ang ganyan, Martina."aniya
I shrugged my shoulders and eat my food. Nag fry ulit siya ng meat dahil ubos na.
"Hindi ka naman nahihirapan?"
"Na walang boyfriend?"
"Hindi!"he hissed. "Sa trabaho..."
"Nah. Isa pa 'yan. Dami kong pendings dahil sa mga events ni daddy. Kalahati pa nga lang natapos ko kanina."
"Tulungan na kita?"
I declined his offer."Ako na bahala. Kaya ko 'yon."
"Okay..."
We continued chatting until we finished our food and then drink our Suju. His fan to talk with, honestly. Wala akong nakita na kahit anong pressure sa kanya. He's a soft boy and a total ate's boy. Paano kaya kong kapatid ko talagang 'to? I'm sure I'll be happy.
Naputol ang tawa ko ng mag ring ang phone niya. Sinagot niya kaagad ito at tumitig sa akin ng ilang sandali.
"Dinner po. Yes, tito. I'll tell her."before putting down his phone again.
He released a sighed and put his hands together on the table.
"Bakit?"
"Did you check your phone?"
Nag isip ako bigla. Busy ako kanina dahil sa ginagawa. Umiling ako. "No, I didn't."
His lips are in grim line.
"Lagot ka, Martina."
-----
In real life, I want to have an older brother. 'Yong overprotective at spoiler hehe.Pero lagot ka girl :)
Ixoraweb.
BINABASA MO ANG
MS 2: To Own Her (Completed)
Ficción General"With just a short period of time, I've learned to love him. I never know why but I just did. And it's deep." Martina Queiruz.