#MSeries2
The drive wasn't long. Tahimik kami sa loob ng kotse. I see that he didn't took it lightly. Nasipa ko ang ego niya at pinagmukha ko siyang sinungaling sa sagot niya. Kasalanan ko naman! Minsan kasi wala rin akong preno sa bibig. Nahawa na yata ako kay Mikaela.
Huminto ang sasakyan niya sa harap ng gate namin. Nilingon ko muna siya. I'll say sorry and leave him after. He's not in the mood I know.
"Uhm...una na ako. Thank you sa flowers at dinner. Ingat ka."I said in a very low tone.
Huminga siya ng malalim. Pinag igting ang panga bago tumingin sa akin. I smiled at him. Trying my luck to somehow lose his stiffness. Pero hindi siya ngumiti. He leaned closer and I hitched my breath. Kumalampag ang puso ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. I pinned my body on my seat and looked away. Lumunok ako ng ilang beses.
He reached for my seatbelt and unlocked it. Unti unting lumuwag iyon sa katawan ko pero nanatili siya ganong posisyon. Wala sa sarili akong humarap at kunting kunti nalang mahahalikan na namin ang isa't isa. His lips were red and half opened. One wrong move, Martina and you'll be nuts.
We stared each other closely for a minute. Amoy na amoy ko siya at ang mint mula sa kanyang bibig. Fuck! I can freely push him right now but I don't why I felt weak. We we're just staring back at each other as if we're waiting for something to happen. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. I couldn't fathom what I am feeling so I licked my lip.
I felt his lips brushed to mine. It's about five seconds when he pulled away. Napaawang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala. He did it again and it's way longer. Dilat na dilat ang mata ko sa ginawa niya. I pushed him lightly when it sinks into my head. He kissed me!
"Carlos..."
Hindi siya nagpatinag sa tulak ko. He's still close but not that close. Ang dalawang kamay ko ay nasa malapad niyang dibdib nakapatong.
"F-friends don't do this kind of thing..."nauutal kong sabi sa kanya.
"We're not friends, Martina."namamaos niyang saad.
"What?"
He shook his head and touched my hair. "We're not friends."ulit pa niya.
Nagkiss kami! At hindi kami friends!? I wanted to ask him the question but I refused to. I'm not giving this up. I want him first to say it before I say it.
"Okay. I should go now."nanginginig kong saad at nagmamadali.
Umayos na rin siya ng upo at pinagmasdan akong lumabas sa kotse niya. Hindi na ako nagtagal roon at tumakbo na papasok. Hindi kami friends!
Hindi ako nakatulog ng maayos. Kinabukasan ay sabog na sabog ulit ako. My eyebags were bigger so I effort of putting some concealer. Naglagay rin ako ng lipstick at nahinto sa kalagitnaan. Pinilig ko ang ulo at nagpatuloy. Maaga na ako sa opisina. Naroon na si Jackie sa post niya at kagaya kahapon may malaking ngiti.
Binati niya ako pagkapasok ko. I smiled and nod at her. The bouquet of flowers again were resting on my table now. I smell it just like how I did it yesterday. Hula ko ay parehong flower shop lang ito nabili dahil pareho ang design ng maliit na card.
'Good morning! I hope you had a better sleep last night.'
-C. Salve
I furiously blushed. Nagkagat ako ng labi para sa isang ngiti. Ang pinakaunang flowers ay nasa vase na ngayon nakalagay. Ayaw kong iuwi muna sa bahay dahil baka magtanong sila daddy. But it'll be more nice to see his flowers in my room. I'll think about it.
Ilang linggo na ang lumipas at ganon parin ang eksena gabi gabi. Walang palya ang mga bulaklak niya araw araw at sa gabi naman ay iba't ibang restaurant ang sinubukan naming kainan. I have never ever thought that these kind of things will happen to me. It's like a big break to me from everything. Hindi ko akalain na makikilala ko siya ng biglaan at mangyayari ang bagay na ito sa amin. I mean, we're not into a kind of relationship that people think but there's an energy that bonded us together. Whatever that is I'm thankful. May mga tao narin na nakapansin sa madalas naming pagsasama pero wala kaming pakialam. It's because we knew what's really in between us and it's not necessary that people must now. If we could just mind our own businesses then there won't be a problem.
BINABASA MO ANG
MS 2: To Own Her (Completed)
General Fiction"With just a short period of time, I've learned to love him. I never know why but I just did. And it's deep." Martina Queiruz.
