Chapter 23

290 6 0
                                    


#MSeries2

We haven't say the exact words to spill out what we are feeling but whenever we're together it's like we already said it. Sa mga mata niya, sa ngiti at tawa ay nakikita kong masaya siya. And I felt it too in my heart. It's like we're content of everything we have right now without the assurance of tomorrow. Ganon naman hindi ba? Kung ikakasaya mo ang isang bagay ay hindi mo naiisip ang katapusan. All you want is to enjoy till it last. And more importantly, treasure it.

Nag renta kami ng bangka bago nag breakfast sa restaurant. I teased him with his annoyed face. Kanina niya pa ako sinisita sa suot kahit nag cover up naman na ako ng isang dress. Under it is my high waist floral crop bikini. Kinronta ko naman dahil wala na akong magagawa. Lahat ng meron ako ay parehas lang ang style. Hindi na nga ito revealing kumpara sa ibang bikinis ko noon. Ngayon, para matahimik ang dragon ay nagsuot na ako ng dress. Pero hindi pa rin nawala ang annoyed na facial expression niya.

"Sige na. Hindi na ako maghuhubad nitong dress kapag naligo tayo mamaya..."pampalubag loob ko sa kanya.

We're done with our breakfast. Naglalakad na kami sa shore para sa bangka namin na naghihintay. May dala akong tote bag para sa cellphone, sunblock at shades namin. May nilagay rin siyang T-shirt at towel sa bag just in case raw.

"Ayos na, po?"salubong niya sa bangkero na kilala niya.

"Ayos na, Carlos. Tutulak na tayo?"

"Opo!"ako ang sumagot at pumalakpak dahil sa sobrang excitement. Kung maganda ang banda rito ay ano nalang kaya sa ibang dako pa.

"Oh, tayo na..."

I almost shrieked when he lifted me into the boat. Natatawa ang bangkero sa nangyari kaya nahiya tuloy ako. Walang kahirap hirap naman siyang sumampa sa bangka. Nag flexed pa ang muscles niya sa braso nang itukod niya iyon. Umupo na kami sa kayawan na upuan before Manong started the engine of the boat. Magkahawak kamay kami sa unti unting paglayo ng bangka sa resort.

Lumiliit ang building sa bawat segundong tumatakbo ang aming bangka na papalayo. The wind harshly blew my hair. Tinulungan niya akong sikupin iyon at nilagay sa kaliwang balikat ko. I smiled at him.

"If I only know how to maneuver a boat like this we won't be needing him here..."bulong niya sa tenga ko.

"Ha? Bakit naman?"lumakas ang boses ko dahil maingay ang makina.

His piercing eyes were on me. Yumukod siya para bumulong ulit sa akin.

"I like to be alone with you..."he huskily said without leaving my eyes.

"Tss..."nag iwas ako ng tingin dahil sa pag iinit ng magkabilang pisngi.

We stopped at the center of the sea. Kinuha ko ang cellphone sa bag na dala para makuhanan ng picture ang buong paligid. I'd like this for some souvenirs. I took pictures and videos too. Nang tumapat sa kanya ang cellphone ay hinawi niya kaagad ito.

"Kill joy!"asik ko at pinatay ang video.

"Tss..."

Naghubad siya ng white shirt sa mismong harap ko. Umirap ako sa kawalan at sinubukan na puntahan ang dulo ng bangka kung nasaan nakatayo ang bangkero. Ngumiti ako kay Manong at nagtanong.

"Wala po bang malapit na rock formations dito?"

"Meron naman, ma'am kaso kung pupuntahan natin ay gagabihin tayo sa dagat..."

"It must be beautiful but far. Pero okay na rito."saad ko at binuhay ulit ang camera para sa picture.

Ngayon ay sa dagat ko naman finucos. The sea water is calm and tempting. Purong asul kagaya ng makikita mo sa mga international movies na may mga sharks. I just hope there's none in here. Maliit pa naman itong bangka namin at kayang kaya lang kaming lamunin kung sakali.

MS 2: To Own Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon