#MSeries2Haide is very excited for her birthday. Araw araw ko siyang naririnig sa mga katawagan para sa pag organize ng party. I'm excited for my dress and for Carlos to come home. It's been days and the phone can't cover up my loneliness without him. Hindi ko pa nga lang alam kung kailan ang balik niya dahil sa huling tawag namin na may kunting problema raw. I didn't think of it too much because I don't wanna ruin my mood everyday.
Sa final fitting ng aming gown ay si Mikaela ang kasama ko. Mas napaaga rin iyon dahil rito lang naman nakabase ang designer. She's with me today cuz Haide has a meeting. Lately, siya na ang palaging kasama ko dahil sa mga preparations niya the party. She also asked me about some inputs kaya ganon ang nangyayari.
"You look a like a goddess with that dress..."kita ko siya sa repleksyun ng salamin.
Pinasadahan ko ang suot na gown. It's silk and beige. Sakto lang sa akin ang deep V neck at ang likod kong walang saplot. It's a perfect choice for me.
"Ano kayang feeling kapag lumapat ang kamay ni Carlos riyan sa likod mo?"she giggled behind me.
Inirapan ko siya. Baliw ang isang 'to.
"I don't think he can come. Hindi niya pa alam kong kailan siya makakauwi. Busy siya, e."sabi ko.
She dramatically sighed and put her chin on her palm.
"Saddened..."usal niya.
Ngumiti lang ako.
We didn't took so much time at the shop. Niyaya ko na rin siyang umalis na dahil may gagawin pa ako sa opisina. Sabi ko sa mismong party nalang kami mag iinuman para bumawi. Pumayag naman siya at nagpasyang umuwi nalang.
"Hi, Madame..."marahan na singaw ni Jackie sa opisina.
"Yes?"
She carefully slid herself inside.
"Iyong pina review raw po ni Chairman na mga papeles? Kailangan niya na po..."ingat na ingat niyang sabi.
Hinagilap ko ang mga papel na tinutukoy niya. "Here. It's all done."
"Hehe. Ayos ka lang po, Madame?"usisa niya.
"Oo naman. Sige na, may gagawin pa ako."
"Sige po, Madame..."
I leaned on my back when she's out. Hinilot ko ang sentido at pumikit. I didn't receive anything from him this morning. Damn it, Martina, you should function well! What's your problem if he's out of the country? He has a fucking business to attend to! He's a busy person, for God's sake! At hindi mo karapatan na manghingi ng oras sa kanya dahil wala namang kayo!
I need to do something. I can't be like this all the damn time. I have work and I need to fucking fucos! Alright!
"Mika..."I called her.
"Hi! Anong atin?"sagot niya sa kabilang linya.
Malapit na ang out at kailangan ko ng makakausap ngayon.
"Sa condo mo tayo. May alak ka riyan?"
"Woah! Woah! Anong problema, ma'am? Bakit may pa alak, ha?"
I rolled my eyeballs. "Basta! Meron ka?"ulit ko.
"Hmm. Sunduin kita tapos bili tayo? Magbibihis na ako."
"Mabuti. I'll see you later."
Binaba ko na ang cellphone at nilinis ang aking lamesa. I turned off my computer and retouched a bit. I was browsing my phone when she arrived. Sabay na kaming lumabas sa building dala gamit ang kotse niya.
BINABASA MO ANG
MS 2: To Own Her (Completed)
General Fiction"With just a short period of time, I've learned to love him. I never know why but I just did. And it's deep." Martina Queiruz.