#MSeries2Some known people greeted us whenever they pass by on our table. Birthday ni Rocco today and since ayaw niya sa mga birthday party ay nag dinner nalang kami sa isang fine dining.
As usual, tuwing birthday ko o birthday niya hindi talaga kami mahilig sa mga party. Allergic kami sa attention at spotlights, according to him. Sometimes, I'd think about what if he's really my brother? Para sa akin hindi impossible iyon."I wonder why you two are not fond of parties during birthdays?"si dad.
We both looked at each other and smiled.
"We don't like attention and spotlights to much, dad..."sagot ko.
Dad seems happy tonight. I wonder why?
"Pwede namang intimate parties. 'Yong tayo tayo lang sana. Some friends and business colleagues."Haide suggested.
"Hindi na kailangan 'yon, Mama. Okay na ang ganito and besides, natatapos naman ang birthday ng isang araw lang."seryusong saad ni Rocco.
I honestly appreciated how shy and simple he is. People always think that he's an introvert which I agreed. He's very silent but at the same time he's aware of the things happening around him. That's my observations towards him so far.
"We're saving some of our earneds but its not bad to somehow ask for something, Rocco and Martina. Basta ba may kabuluhan lang ang bagay ay pagbibigyan naman namin kayo sa kong ano ang gusto niyo..."dad softly says."...iyon ay kung may hihilingin kami sa inyo sana naman ay ibigay niyo rin."patuloy niya.
Tsk. Okay na sana, Dad pero bakit mo pa dinagdagan?
"Kung ganon po, tito pwede po ba kaming lumabas ngayon ni Martina at uminom ng kunti?"ani Rocco na nagpalaki ng mata ko.
"You should call me Ate."bulong ko sa kanya.
"Why not sa bahay, Rocco?"he's Mama asked.
"Sige. Wag nalang po."bawi niya.
Isang siko naman kaagad ang natanggap niya sa akin. Ito naman! Minsan na nga lang aatras pa kaagad!
"No,no. It's okay. Since it's Friday night and it's your birthday, you two can enjoy but be home before midnight. Are we clear?"
"Thank you, po!"aniya
I bit my lower lip trying to hide my freaking smile. I should call my Mikaela!
"Ang galing mo, Rocco, napapayag mo si Daddy!"
Talak ko sa gilid niya habang tanaw ang paalis na kotse nila daddy. Nakahawak pa ako sa braso niya dahil sa sobrang saya. We're still wearing our formal clothes while waiting for our car to take us to the bar.
"Para ka namang hindi pa nakainom sa isang bar."aniya, nakapamulsa.
"Ilang buwan na ang lumipas noong huli kaming nag bar ni Mikaela 'no! Tsaka first time mo pa!"sabay yugyug sa braso niya.
"Tsk..."
"Can I call her? I'm sure game na game 'yon!"
"Ikaw bahala."
Tumalon talon ako sa tuwa at kinuha ang cellphone sa bag para matawagan ang aking pinakamamahal na kaibigan. Mika and I used to party before. Pero nong sumubra na ako at pinagalitan ni dad natakot na akong umulit. But if it's necessary for me to go, he'll let me naman.
The electronic music is loud. There's a party held when we arrived. We waited for Mikaela before ordering our drinks. Hindi na kami nag VIP couch dahil kaming tatlo lang naman.
"Namiss ko 'to! Kailan nga tayo huling nag gimmick?"she asked beside Rocco holding her drink.
"Months ago..."sabay simsim sa aking cocktail.
BINABASA MO ANG
MS 2: To Own Her (Completed)
Художественная проза"With just a short period of time, I've learned to love him. I never know why but I just did. And it's deep." Martina Queiruz.