#MSeries2I remained on his chest. Ngayong narinig ang lahat ng mga iyon mula sa kanya ay dilat na dilat na ako. Animo'y na wala ang kalasingan pero nanatili ang pagod at antok. Anong sabi niya? Nakita niya lahat? Syempre, hindi naman siya bulag. Are you nuts to not think of it deeply, Martina? Ang sabi niya nakita niya lahat! Ang mga tulong at sakripisyo mo. Pero kailan? Don't tell me sa mga gabing kasama ko siya ay nakita niya? Paano? Gulong gulo na yata ang utak ko. Kumalma na nga ang puso lumipat naman sa utak. Jusko. Pero sa bagay, hindi nga naman maiiwasan ang ganon. Maybe he knew something that I blindly told him. And he sees it. Then, concluded. He's concerned. And it's not bad. Kahit ako nga ay may mga nararamdaman na kakaiba ngunit ayaw ko lang aminin.
Hindi ko maamin. Kahit sa sarili ko ayaw kong aminin.
Marahan ko siyang itulak. Nagpatulak naman siya at kaagad na nagbigay ng distansya para sa aming dalawa. His arms slowly loss from the hug.
"I'll take you home."aniya
Tumango ako. He guided me to go down holding my waist. Pinagbuksan niya kaagad ako ng pintuan at pinasakay. He turned to the driver seat and drove me home to Mikaela's condo.
Sabog na sabog ako kinabukasan. Late pa ako sa trabaho dahil alas syete na ako nagising at matagal dumating ang driver ko. Hindi ko na nasundan ang nangyaring paghatid niya sa akin kagabi dahil nakatulog na ako sa kotse niya.
Ang sabi ni Mikaela, buhat buhat na raw ako ni Carlos paakyat sa condo niya. Ngayon at nag sink na sa akin ang pag alipin ko sa kanya kagabi. Di bale, kapag nag yaya ulit iyon ng dinner ngayon ako na ang magbabayad.
"Magandang umaga, Miss!"isang malaking ngiti ang sumalubong sa akin mula kay Jackie.
"Hi, Jackie. Good morning!"
I covered my possible eyebags and hangover well. I drink the pain reliever for my hangover while I put some concealer for my eyebags. Medyo bangag pa ako pero kaya naman.
"Madame..."sumunod pala siya sa akin.
"Bakit, Jackie? May problema ba?"
Kaagad siyang umiling."Wala po! Tsaka ang saya ng araw na ito, Madame!"
Kumunot ang noo ko. Oh? Salamat naman at masaya ang araw niya kahit hindi pa sweldo.
She opened the door for me. And when I got inside, the big bouquet of flowers on my table welcomed me. Napaawang ang labi ko at nilingon siya. Malaki pa rin ang ngisi at kinikilig.
"Kanino galing?"tanong ko turo ang bulaklak.
"Hindi ko po alam, ma'am. Dineliver po ng maaga, e. Tsaka ang ganda, ma'am!"
Nilapitan ko na ang aking table at ipinatong ang bag sa lamesa. I got the flowers and smell it. It's smell is sweet like a candy. Kinuha ko ang maliit na card sa gitna nito at binasa.
To: Ms. Queiruz
Have a great morning! I hope you feel better now.
-C. Salve
Pinigilan ko ang ngiti sa aking labi. Tumili si Jackie at pumalakpak sa harap ko.
"Just greetings, Jackie."
"Suitor po ba?"usisa niya.
"Hindi, Jackie. Sige na. Bumalik kana doon."
Mahina ulit siyang tumili at tinakpan ang bibig. Sinita ko ulit siya kaya lumabas. Ako naman ngayon ang ngumiti ng malapad habang nakatingin sa mga bulaklak. Lakas ng trip. I hurriedly took out my phone and took pictures of it as remembrance. I proceed doing my work after but I can't focused.
BINABASA MO ANG
MS 2: To Own Her (Completed)
General Fiction"With just a short period of time, I've learned to love him. I never know why but I just did. And it's deep." Martina Queiruz.