"Ate," sinalubong ako ni Jian nang makauwi ako. Talagang naghintay siya sa labas ng pinto.
"Oh? Bakit nandito ka sa labas?" Tanong ko at inakbayan siya habang papasok kami sa loob.
"They're fighting again. Ang sakit sa tenga,"
"Mom and Dad?" Tumango siya.
Mom and Dad always fight because of some reasons we don't know. Kuya and I wasn't always home when they're fighting so we don't usually see them fight, but Jian do. He witnessed all of it and that made me worried. At first, he cried but as he grow up, he act like he wasn't affected by it anymore. The idea scared me. Ang bata niya pa para sa mga ganito.
"I'm sorry," I smiled apologetically.
"It's fine, Ate," he smiled back. Thank goodness, his attitude didn't change. He's a very sweet, caring, and thoughtful boy.
"Wanna stay in my room until they're finished?" I suggested. He nodded, excitedly. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. Umakyat na kami sa kwarto ko at agad siyang tumalon sa kama ko. Nag-indian sit siya doon at tumingin lang sa akin.
"Oo na, pwede mong pakialaman iyong ref ko." Pabiro akong umirap sakanya. Sumigaw naman siya ng "yes" sabay takbo sa mini ref ko dito sa kwarto.
"Shower lang ako. 'Wag kang malikot, ha! Nood ka lang ng tv diyan!" Bilin ko sakanya. Tumango-tango lang ito habang hinahalungkat iyong laman ng mini ref ko.
I took a shower and did my skincare routine. I changed into my pajamas before going out.
I saw my brother eating ice cream while watching spongebob. I joined him and he offered me a spoon full of ice cream.
"Gusto mo?" Tanong niya.
Tumango ako at kukuhanin na sana iyong kutsara kaya lang nilayo niya sa akin. "Subuan kita,"
Napangiti ako. "Sweet naman," pang-aasar ko pa pero inirapan niya lang ako. Sinubuan niya ako at pinunasan pa iyong gilid ng labi ko dahil may naiwang ice cream daw.
"Sweet naman ng kapatid ko! Kinikilig si Ate," niyakap ko siya patagilid. Tumawa siya.
"Papasa na ba akong manliligaw, Ate?" Malokong sabi niya. Kumunot agad ang noo ko.
"Ano? Anong ligaw ligaw, Jian Alexis?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nag-peace sign ito at tumawa.
"Joke lang, Ate. Just wanna see your reaction." He shrugged and returned his eyes on the screen while biting the spoon.
"Ang bata mo pa, Jian, ha! Nako,"
"Ate! Joke nga lang!" Depensa niya pero nanatiling mapanuri ang mga mata ko.
Tinawanan niya ako. "Nood ka na lang ng spongebob," sabi niya at hinawakan ang mukha ko para alisin ang tingin ko sakanya at ibinaling sa screen.
When the show ended, Jian said he'll go na kasi maliligo pa siya and he has homeworks to do. I let him and said goodnight.
Tumayo ako at lumipat sa study table ko. I turned the lamp shade on and brought my notes out from my bag. I reviewed our lessons kanina and nag-advance reading na rin ako sa mga librong dinala ko pauwi. Ang iba kasi ay iniwan ko sa locker dahil masyadong mabigat.
While reviewing, nasagip ng mata ko ang sketch pad ko sa gilid ng table. I took my ballpen down as I reach for my sketch pad.
This is where I draw everything that is special to me. Person, places, things, everything. Ginuhit ko kasi ayokong makalimutan. Na kapag dumating ako sa puntong, nawawalan na ako ng pag-asa, mayroong magpapaalala sa akin na kahit minsan sa buhay ko, sumaya ako.
BINABASA MO ANG
Stolen || COMPLETED
General FictionJeicah and Caius have their own reasons why both of them are scared of commitments. When everything's uncertain, are they willing to take risk? When the person they want to keep are against their relationship, are they willing to fight for it? Stole...