"What's the plan, guys?" Lexie asked, pertaining to the upcoming holidays. Excited na excited na siya kahit na next week pa ang Christmas break.Four months after that vacation, so many things happened. Nang makabalik kami sa school ay talaga tinorture kami ng ibang mga profs sa dami ng pinapagawa nila. Salamat sa Kanya, nairaos naman namin kahit papaano.
"What do you mean what's the plan?" Kesha asked. "Aren't you going to Paris with your family?"
"Yes, I will, but I wanted to hang out with you guys first before we fly."
"Sana all, lumilipad." Walang kwentang sabi ni Red.
"You're so epal, Jared!" Reklamo sakanya ni Lexie sa maarteng boses. O talagang ganon na ang boses ni Lex.
"You're so conyo, Lexie." Pang-gagaya sakanya ni Jared. Sinamaan lang ito ng tingin ni Lexie dahil hindi siya mananalo kay Red sa asaran.
"Red," bakas ang pagbabanta sa boses ni Dale nang sabihin niya iyon.
Tinaas ni Red ang dalawa niyang kamay na parang nagsasabing suko na siya. Umirap si Kesha dito atsaka tumayo.
"Imbis na mang-asar ka diyan, samahan mo na lang ako sa office,"
Tumaas ang kilay ni Red. "Sure, tara na, babe." Sabay akbay kay Kesha.
"Pwet mo babe," inis na inalis ni Kesha ang akbay sakanya ni Jared at nauna nang naglakad. Tumatawa si Jared habang sinusundan ito.
Napatingin ako kay Caius na tahimik lang na nakapilit ang dalawang mata. Tila natutulog. Nakahalukipkip ang dalawa nitong braso sa baba ng dibdib niya at prenteng nakasandal sa backrest ng upuan niya. Nahuhulog na din ang glasses niya kaya lumapit ako para ayusin iyon. Nagulat ako dahil bigla niyang iminulat ang mata niya. Napa-atras ako.
"Hi. Nagising yata kita..." awkward kong sabi.
Pagod lang siyang ngumiti. "Nah, it's fine,"
"You look so tired. Ayos ka lang ba?"
"Yeah. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi." Even his voice sounded so husky.
"Ano ba ang ginawa mo kagabi?" Kuryoso na tanong ko. Simula pa kahapon siya ganyan. Parang laging kulang sa tulog. Parang laging pagod pero may naisasagot naman sa mga quizzes.
Ngumiti lang ito imbes na sumagot. "Secret,"
Ngumuso ako. "I'm worried, Cai."
Dumaan ang pagkamangha sa mukha niya. Napalitan din ito ng ngisi kalaunan. "Basta," sabi niya lang at pumikit na ulit. Gusto ko pa sanang magtanong kaso ayoko rin siyang istorbohin sa pagtulog.
He's courting me for five months now, I think. Almost six. Hindi ko alam kung paano niya ako natatagalan. I mean, yeah, I think he already knew that I like him, too but I am scared of committing so I'm kinda hesitant to go in a relationship. Specially with him. Not because I do not like him or he's no good for me, no. It's just that... if we didn't end up happily, we could lose this great friendship of ours.
He once told me that he feels the same, too. That he is scared of committing into someone.
**
"Why are you scared?" I asked.
"Before... I said to myself, I don't want the responsibilities. Alam mo naman sa mga relasyon, di ba? Madami kang obligasyon sa magiging girlfriend mo. At ako? Ayoko ng ganun. Baka masaktan ko lang iyong babae kaya hindi na lang muna."
BINABASA MO ANG
Stolen || COMPLETED
Ficción GeneralJeicah and Caius have their own reasons why both of them are scared of commitments. When everything's uncertain, are they willing to take risk? When the person they want to keep are against their relationship, are they willing to fight for it? Stole...