15

54 3 0
                                    


Habang dumidilim nang tuluyan ang langit, para kaming mga palakang nabuhusan ng tubig at nagsikalat na sa buong isla. May mga lumalangoy na sa dagat, mga nagpipicture-picture at ang iba'y katulad naming naka-upo lang sa buhangin habang kumakain ng barbecue habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

"Anong ganap bukas?" Tanong ni Dale kay Red. Kasama si Red nang magplano si Ma'am ng activities dahil nga siya ang class president namin kaya siya ang kukulitin namin.

"Secret nga! Kapag sinabi ko, edi lugi ang iba dahil makakapaghanda na kayo para doon!" Kumamot siya sa ulo niya sabay kagat sa barbecue.

"Kasali ka ba sa laro?" Tanong ko.

"Oo naman!"

"O, edi, lugi kami sayo?"

Alanganin siyang ngumiti sabay tawa. "Gano'n talaga kapag paborito ni Ma'am!"

"Sipsip," bulong ni Kesha pero narinig namin lahat. Nanlalaki ang mata ni Red nang bumaling ito sakanya.

"Ano?! Hindi, ah!" Depensa nito sa sarili. Inirapan lang siya ni Kesha at tumayo na para kumuha ulit ng barbecue. Sinundan naman siya ni Red at nagbangayan nanaman sila. Hindi na natapos.

"Cai, is this yours?" Lexie asked Caius while looking at the polaroid cam. Hindi niya pa pinapakita iyong kuha niya saakin kanina. He said he'll keep it.

"Nope," he shook his head. "Kay Dale 'yan, bakit?"

Gulat si Lexie'ng tumingin kay Dale na kagat-kagat ang barbecue stick at nakatingin lang ng diretso sa dagat. "Y-Yours?"

Tumango si Dale. "Want me to take a pic of you?"

"I-Is it okay?"

"Yup. Let's find a perfect angle," sabi nito at tumayo na. Nilahad niya ang palad niya kay Lexie. Nahihiya namang inabot iyon ni Lexie at bago sila umalis ay tumingin siya saakin na para bang nagpapaalam. Natatawa akong tumango dahil ang pula ng pisngi niya!

"She's blushing!" Tumawa na ako ng tuluyan nang makalayo iyong dalawa. Nakangiti si Caius na nakatingin saakin. Hindi ko namalayan kung ilang oras kaming ganoon ang ayos. Nag-usap lang kami tungkol sa kung anu-ano hanggang sa napadpad ang usapan sa plano namin in the future.

"Hindi pa ako makapili, e." Sagot ko sakanya dahil tinanong niya kung ano ang kukunin ko pagtung-tong ng kolehiyo. "Ikaw ba?"

"Engineering." He said with so much certainty. Like he's very sure on that. I'm happy for him.

"Then, I'll be your architect!"

Ngumiti siya dahil doon. "Sure. What do you think will be our first project, then?"

Napaisip ako. "My house. I want you to build it because I know you'll be a great engineer in the future so... yeah, our first project together should be my house. Understood?"

"Roger that,"

"That would be really exciting. Imagine us, working together. I can't wait for that time to come. I can't wait to be successful. To live freely. To do things I wanted to do without worrying about what others will say." I smiled while staring at the beautiful sky. Kulay kahel na ang langit.

"One day," he whispered. "You'll be able to do those,"

Sana nga. I hope by that time, Mommy and I are already in good shape. I wanted to prove her that I'm not just a pain in the ass. That one day, I'll shine brightly and I want her to witness it. I wanted her to be proud of be just like how other moms do.

I'm beyond happy because my Dad finally showed his affection towards me. That he cares for me. That he loves me. Maybe this is the start. Baka ito na ang hinihintay ko, ang maging isang normal na pamilya na kami. Walang sakitan, walang away, walang tensyon, walang ilangan. Ang mayroon lang ay pagmamahalan at saya.

Stolen || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon