"Jian!" Naiiyak akong lumapit sa kapatid ko at niyakap. Naka-upo ito at nakasandal sa may headboard at kumakain ng apple."Ate...."
Agad ko siyang hinampas nang bumitaw ako sa yakap. Pinagkrus niya ang mga kamay niya para protektahan ang sarili laban sa mga hampas ko.
"You promised! You promised me! How could you do something like that! Do you even know how worried I was, you naughty kid!" Sunod-sunod ko sabi at nang mapagod sa kakahampas sakanya ay napaupo na lang ako sa tabi niya.
"Ate... sorry na.. don't cry, please..." pang-aalo niya saakin at niyakap ako mula sa gilid.
"Huwag mo nang uulitin, ha!" Pinunsan ko paalis ang luha ko. Tumango naman siya habang nakasandal ang baba sa balikat ko.
"We brought you fruits, baby Ji.." sabi ni Lexie at nilapag iyong dalang basket na may laman na mga prutas sa table.
"Thanks, Ate Lex!" Masayang sabi Jian at kumagat ulit sa apple niya. "Si Ate Kesha?"
"Icah, remember the cute kid she always talk about?"
"Yuqi?" I asked. "Bakit?"
"She hurt her ankle and Kesha saw her getting treated so she went to her," Lexie explained. Kaya pala nawala bigla si Kesha sa likod namin kanina habang papunta dito.
Days passed by really fast. Jian got discharged from the hospital already and he can also join the Sport Fest. We only have three days left to rehearse before the Intrams and I am so freaking terrified.
"Water break muna, candidates!" The organizer finally allowed us to take a rest. Kanina pang alas tres kami dito nagpapractice at 6:00 PM na ngayon! Pagod na pagod na ako at lalo na ang paa ko dahil sa pagka-taas taas ba naman kasi nitong heels na pinasuot saakin!
Ang akala ko ay ang makakalaban namin ay mga lower grade levels ngunit sinabi sa last notice na binigay saamin ay seniors lang daw ang maglalaban-laban. Ibig sabihin, taga-ibang school ang kasama naming nagpapractice ngayon. Maayos naman sila, matataray nga lang ang iba.
Ang way daw ng pagja-judge ay as one, hindi individual. Sampong pares kami rito na galing sa iba't-ibang school syempre. Bumama ako ng stage at naglakad papunta sa kung saan ko iniwan ang bag ko kanina. Nanood sila Lexie, Kesha, Red at Dale kanina kaso umuwi na rin for some reasons. Si Lexie raw ay may emergency sa bahay nila at si Kesha ay may practice sila sa Majesty kasama ang corps niya. Hindi ko na alam doon sa dalawang lalaki.
"Pagod?" Tanong ni Caius nang lumapit din saakin at umupo sa tabi ko. May hawak siyang bottled water sa kamay at binubuksan iyon.
Pinunasan ko ang labi ko at isinara ang tumbler bago siya harapin. "Sobra,"
"Ma'am! Pwede po bang mauna na kami ni Icah? Pagod na siya, eh!" Sigaw niya kaya napatingin lahat saamin. Agad ko siyang sinapak sa braso.
"What are you doing?" Mahina pero may diin na sabi ko. "Nagbibiro lang po si Caius, Ma'am!" Bawi ko.
Uminom siya sa bottled water niya kaya nadepina iyong Adam's apple niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin at pinunasan na lang ang pawis gamit ang likod ng aking palad dahil wala iyong panyo ko. Nagulat ako nang paharapin niya ako sakanya at siya na mismo ang nagpunas sa pawis ko gamit ang panyo niya.
"Next time, magdala ka ng panyo, okay?" Sabi niya habang pinupunasan pa rin ang pawis kong mukha. Nakadirekta pa sa mga mata ko ang tingin niya kaya lalo akong nahihiya. "Atsaka, extra t-shirt. Pawis na pawis ka na, eh."
BINABASA MO ANG
Stolen || COMPLETED
Ficción GeneralJeicah and Caius have their own reasons why both of them are scared of commitments. When everything's uncertain, are they willing to take risk? When the person they want to keep are against their relationship, are they willing to fight for it? Stole...