07

56 5 0
                                    


"Jian," tawag ko sa kapatid kong naglalaro sa phone niya.




Nasa sala kami ngayon, kakatapos lang ng dinnertime at kaming tatlo lang nila Kuya ang nandito kaso bumili si Kuya ng Ice cream. Wala si Daddy at Mommy sa bahay at bukas pa ang uwi. Hindi ko alam kung saan sila pupunta.




"Ano 'yon, Ate?" Tanong niya. Nasa screen pa din ang mga mata.





"May bibigay ako sa'yo," ngumiti ako.








Agad siyang bumaling saakin. "Talaga? Ano? Regalo? Pero hindi ko pa birthday, ah?"





"Teka, kukunin ko," tumayo ako at umakyat para kunin 'yong binigay nung babae kanina.





Kinuha ko 'yon sa loob ng bag ko. Lalabas na sana ako kaso tumunog ng paulit-ulit iyong phone ko. Kinuha ko iyon at binulsa bago lumabas.






"Here," I gave him the envelope.





He put his phone down to take a look on it. "What's this?"






"I don't know,"

.



He looked at me weirdly. "Open it," I indulge him.





He opened it and his eyes immediately widened. I smirked and sat near him. Agad siyang umiwas saakin.


.

"Patingin?" Sabi ko.





"A-Ate, sino'ng nagbigay?" Tinaas niya iyong pink envelope. "N-Neto?"



"Babae, mahaba ang buhok, matangkad, maganda...." sabi ko habang inaalala iyong itsura ng batang babae. "May hairpin siya sa bandang tenga niya. I think it's on the right side,"





Napapikit si Jian ng mariin. Huli ka. Akala mo ha!




"Tingin ako," sabay abot sa envelope kaso iniiwas niya iyon.




"A-Ano, Ate.... Uhm.."





"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.





Alanganin siyang ngumiti. "Sagot lang 'to sa math problems na binigay ko sakanya."







"Talaga? Patingin nga," hamon ko.





Iniabot niya saakin iyon. Binuklat ko at tama nga siya. Puro numbers, equation at solution ang nakasulat doon. Ayan, Icah! OA ka!





Tumingin ako sakanya at binalik iyon. "Bakit mo siya binigyan ng math problems?"






"Tinutulungan ko lang siya," kabado niyang sabi.






"Ah," tumango-tango ako. "Oh, e bakit ganyan ang itsura mo?"





"H-Huh? Bakit? Ano bang itsura ko?" Sinapo niya ang pisngi niya.





"Mukha kang natatae," tumawa ako.





"Ice cream!" Sigaw ni Kuya pagpasok. Agad kaming tumakbo palapit sakanya.






"Sarap?" Tanong ni Kuya. Tumango kami na parang bata ni Jian. Well, bata naman talaga kami.





"Ano flavor sa'yo, Ji?" Tanong ko sakanya.






Stolen || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon