"Are you sure it's going to be fine?" I asked Jian, nervously."Don't worry, Ate. I got you," he playfully winked at me. Agad ko siyang binatukan. "Aray, Ate naman, eh!"
"Hindi ako nagbibiro! Seryoso ako," kinakabahan ko pa ring sabi.
"Seryoso din naman ako sakanya, Ate." Parang ewan na sabi niya kaya binatukan ko ulit siya. Narinig ko ang pagtawa ni Manong Edgar sa harap.
"Hoy, Jian, ah! Sinasabi ko sa'yo!" Banta ko sakanya.
"Joke joke lang, Ate!" Tumawa siya. "Pinapagaan ko lang loob mo para hindi ka na kabahan," proud na sabi niya.
Pabiro akong umirap pero nangingiti na rin. Alam niya talaga kung anong gagawin saakin sa mga panahong ganito.
"Hahabol daw si Kuya Adam kaya chill ka lang diyan, Ate."
Whew, sana nga walang mangyaring masama. Last na sinama ako ni Daddy sa mga ganitong lakad niya ay noong 15 pa lang ako. 2 years na pala. Kasalanan ko din naman, nagulo ang buong party dahil saakin.
"Andito na po tayo," deklara ni Manong. Hindi muna kami bumaba ni Jian dahil hinihintay namin na mauna sila Daddy. Nang bumaba na sila ay bumaba na rin kami at nagtungo sa likod niya.
I am currently wearing a white off-shoulder dress ending an inch above my knees. I paired it with my white sandals and I also brought my white pouch with me para may paglalagyan ako ng phone at wallet ko.
Hindi ko din talaga alam kung bakit naka all-white ako.
Syempre para banal ang datingan, hahaha! Charot.
"Senator! I'm glad you came!" Salubong saamin noong lalaki na may hawak na mic pero naka-off. Siya ba ang host ng event?
Nagkamustahan pa sila ni Daddy at Mommy habang nakatayo lang kami ni Jian sa likod nila. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ang sosyal ng venue, maraming table, may parang stage din sa harap tapos may cater sa gilid. Medyo madami na ring tao. May mga waiter din na paikot-ikot na nagseserve ng pagkain o maiinom.
"Oh, mga anak niyo, Senator?" Tanong ng lalaki kaya napatigil ako sa ginagawa.
I looked at them nervously while playing with my fingers.
Daddy smiled. "Ah, yes. This is my son, Jian Alexis." Turo niya kay Jian. Tipid na ngumiti lang si Ji. "And, my daughter," hinawakan ni Daddy ang dalawang balikat ko. "Jeicah Ada,"
"Hi, pretty," sabi noong lalaki. Awkward akong ngumiti. "Ihahatid ko na kayo sa table niyo, Senator," anito at nauna nang maglakad.
Para akong wala sa sariling naglalakad. Nanatili kasi ang kamay ni Daddy sa balikat ko kaya abot langit na naman ang kaba ko.
May part din sa akin na masaya. Sobrang saya dahil ipinakilala niya ako bilang anak niya. Ang saya saya ng puso ko sa simpleng bagay na 'yon basta galing sakanila.
Uhaw na uhaw ako sa pagmamahal nila, e. Kaya kahit sa simpleng ganoon lang, sobrang saya ko na.
Hinatid kami noong lalaki sa table na may nakalagay na 'Senator Mortell and family.'
Pabilog iyong lamesa. Naupo ako sa tabi ni Jian. Katabi naman ni Jian si Mommy at katabi ni Mommy ay si Daddy. May isang bakanteng upuan pa at alam kong para kay Kuya 'yon.
BINABASA MO ANG
Stolen || COMPLETED
General FictionJeicah and Caius have their own reasons why both of them are scared of commitments. When everything's uncertain, are they willing to take risk? When the person they want to keep are against their relationship, are they willing to fight for it? Stole...