03

88 7 2
                                    

Wala sa sarili akong napa-ngiti nang binasa ko ang nakasulat sa papel. Tumingin ako kay Caius at nakitang nakangiti ito sa akin tapos pumunit ulit ng kapirasong papel at may sinulat doon.



Iniabot niya sa akin iyon kapagkuwan. Nakataas ang kilay at naka-ngisi ko iyong tinanggap at binuksan para basahin.



'Ayan. Ang ganda mo kaya kapag nakangiti. Haha yiee kilig ka 'no?'





Mahina akong napatawa nang mabasa ko. Liningon ko siya, nakatingin lang siya sa akin tapos natawa na rin.



Pumunit rin ako ng kapirasong papel at sumulat sabay abot sa kanya.



'Ewan ko sa'yo. Hmp.'



'Kunwari ka pa. Kinilig ka naman XD'



I scoffed and rolled my eyes at him, grinning like an idiot. 'Ang kapal naman, sir.'



Tinaasan niya ako ng kilay. 'Honest lang.'




"Ms. Mortell and Mr. Javier, ano? Mag-ngingisian na lang ba kayo diyan o mag-qquiz tayo?" Mataray na sabi ni Ma'am kaya napaayos kami ng upo.



"Sorry, Ma'am." Sabay naming sabi.



Nagquiz kami pagkatapos noon. Medyo nawiwindang pa ako sa mga tanong dahil hindi ko alam ang mga kasagutan sa iba.




Minsan ay napapasulyap ako kay Caius na relax na relax lang habang nagsasagot. Kapag tapos na syang sumagot ay pinaglalaruan na lang niya iyong ballpen niya o kaya'y inaayos ang glasses.




Nang matapos ang klase namin kay Ma'am Cortez ay si Sir Jonas naman ang sumunod. Hindi tulad kahapon na hindi siya pumasok. Nagdiscuss lang siya ng kaunti at ang iba ay nakipagkwentuhan na lang sa amin. Ang cool lang niyang teacher. Gwapo pa. Haha!




"Okay, so that's the end of our class. But before I dismiss you all, we'll have a groupings regarding your research. And," huminto siya. "This group will be permanent, until the end of the semester."




Bakas ang kaba sa mukha ni Lexie nang nilingon niya ako. Ngumiti na lang ako sakanya.




"Okay, first group are... Champ, Jiorgiena, Jadie, Michael, John, George..." deklara ni Sir habang randomly na bumubunot ng index card.



"Second group, Sammy, Kylie, Nancy, Peter, Dominic, and Wesley.."




"Third group, Jared, Dale, Leianny, Jeicah, Caius and..." huminto si Sir para bumunot pa ng isa. Nagkatinginan kaming lima na natawag. Tumingin ako kay Kesha na nakanguso na. Tumawa kami ni Lexie.




"Sir, 'wag si Kesha, parang awa.." madramang sabi ni Red at nagtawanan ang buong klase. Sinapak siya ni Kesha sa braso.




"Kendra." Pagpapatuloy ni Sir. Impit kaming napatili ni Lexie.



"Sino si Kendra?" Tanong ni Jared kay Caius.




Sinabunutan siya ni Kesha at itinaboy ang mukha ni Red sa harap niya. Nakalapit kasi si Red kay Kesha para kausapin si Caius.



"Bobo, ako 'yon." Irap niya.



Oa na napalingon si Jared sakanya at umaktong gulat na gulat. "Naks! Ikaw pala 'yon? Kendra pala, ah?" Pang-aasar pa nito.




Bagay sila.....




Kung nababasa lang ni Kesha ang utak ko, for sure kinurot na ako niyan.



Stolen || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon