EPILOGUE

121 8 2
                                        


"Where the fuck are you two?" I hissed over the phone.

"Ay, bad ng bibig, oh! Sumbong kita kay Tita!" Bakit ba ang numero ng isang 'to pa ang nai-dial ko?

"Asan nga kayo? Nasaan ang sasakyan ko?" Nagtitimpi kong sabi.

"Hulaan mo—"

Pinatayan ko na siya. Inis kong dinial ang number ni Dale. Mas matino pa 'to kausap kaysa sa isa.

"Yeah?" He casually said.

"Where are you?"

"Uh, inside your car. Why?"

"The hell? Then where's my car?! Don't tell me iniwan niyo ako rito!"

Mariin akong napapikit nang marinig ang tawa ni Red sa kabilang linya. Magkasama sila! Damn these assholes! Remind me why I'm friends with them.

"Malay ko kay Red. Biglang pinaandar sasakyan mo. Akala ko nagpa-iwan ka riyan sa cafe kaya 'di na 'ko nagtanong."

"Damn it, Dale. Hindi naman masamang ma-curious minsan, 'no?" Sarkastiko kong sabi.

Tumawa siya. "Sorry, bro. Anyways, just enjoy your blind date."

"Ah, puta." Sabi ko na lang at pinatay na ang tawag. Nakakainis silang dalawa. Hindi ko talaga alam kung bakit naging magkakaibigan kami. Biruin mo, first day of school ngayon pero hindi kami pumasok tatlo dahil sigurado naman kaming walang gagawin. Ta's naalala ko, lumipat nga pala kaming Scarlett dahil trip lang namin. Bahala na.

Pumasok ulit ako sa cafe at binalikan 'yong babae. Sabi ni Red, samahan daw namin siya bumili ng kape. Tinatamad ako pero pinilit ako nung isang 'yon. Wala na rin naman akong nagawa.

"Hey," I said so she looked up.

"Hi," she smiled. Damn, how can I leave her here like this when she's being like this... mukha siyang mabait. Nakakakonsensyang iwan siya rito. Kung hindi ba naman kasi gago si Acosta at sinet ako sa blind date ng hindi ko alam.

"Uh, I..." how should I say this?

Tumingin ako sakanya at mukha siyang binagsakan ng langit at lupa. Papatayin ako ng konsensiya ko!

"You... need to go?" Her voice were soft.

"Uh..."

Then she forced a smile. "No, it's okay. You can go now... baka importante 'yan.."

Sige na, Caius, alis na... siya na mismo nagsabi.

Sa huli, napapikit na lang ako ng mariin at umupo sa katapat na upuan. She looked shocked so I smiled at her.

"I'll go after you finish that drink."

Then she looked at her coffee. She nodded slowly and then a genuine smile appeared. Ito ang mahirap kapag mabait iyong babae, e. Hindi mo kayang saktan kasi nakakakonsensya.

"So... saang school ka?" Tanong ko para naman may topic kami. Nakaka-ilang kung magtititigan lang kami rito.

I'm glad that she wasn't that quiet. She's genuinely kind and fun to talk to. After she finished her drink, dumating na rin iyong driver niya.

"Bye, Caius," she said before going in. "See you again next time, if there is."

I chuckled. "Yeah. Bye."

And just like that, I found myself on the train, reading a book. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang libro na 'to. Ah, kay Red nga pala 'to. Naiwan niya kanina dahil nagmamadaling iwan ako sa loob ng cafe. Gagong 'yon.

Stolen || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon