27

46 4 0
                                    


"Ate!" Malakas na kumatok si Jian sa pinto ko. "Ate, kakain na!"

"I'm not hungry!" I shouted back.

"Ate, come on! You haven't eat anything yet since this morning!"

"Just go, Jian. I'm sleepy," I said in a calmer tone of voice.

"Sige na nga," rinig kong sabi niya.

Buong summer ay nanatili lang ako sa loob ng kwarto ko, umiiyak. Gustong-gusto ko nang pigilan ang sarili sa pag-iyak pero tila hindi nauubos ang mga luha ko. Next week na ang pasukan at hindi pa ako nakakaenroll dahil wala akong lakas lumabas ng kwartong ito.

I am barely alive. This isn't living anymore.

After my birthday, I haven't talk to anyone about it. I kept it all inside me. I promised Kesha and Lexie na may sasabihin ako sakanila kaso hindi ko masabi-sabi dahil pakiramdam ko magagalit sila saakin. I'm unreasonable.

Five days before the school starts, Kesha sent me a message saying na sabay kaming mag-enroll dahil hindi pa din siya nakakapag-enroll kasi busy siya pagba-ballet. I agreed. Kasama rin si Lexie kahit na jetlag pa siya.

I kissed their cheeks when I saw them at the hallway. "Hi."

"What happened to you?!" Lexie said in a dramatic way.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit?"

"Pumayat ka!" Pagpuna ni Kesha. "Ayos ka lang ba talaga?"

Ngumiti lamang ako at hinila na sila. "Tara, kuha na tayo ng form," sabi ko na lang.

Dahil hindi kami parehas ng strand kaya humiwalay muna ako sakanila at pumunta sa building namin. Habang papunta ako doon ay namataan ko sila Jared. Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumiko sa kabilang pasilyo. Hinintay ko silang makalayo bago bumalik.

"Nandito sila Kesha, e. Nagtext siya," rinig kong sabi ni Red.

"Share mo lang 'yan?" Si Dale naman.

"Problema mo, Castro?" Asik ni Red sakanya.

"Ano ba? Ang iingay niyo," sabi niya. Halos magsitayuan ang mga balahibo ko nang marining ang boses niya.

I miss him!

Nang wala na akong narinig galing sakanila ay bumalik na ako at dali-daling pumunta sa building namin at maipasa na ang form ko.

Habang pabalik ako kung saan ko iniwan ang dalawa ay sobrang kabado ako. Paano kung nandoon silang tatlo? Ano na ang gagawin ko? It would be so awkward to meet him there! Lalo na't mukhang walang alam ang mga kaibigan namin. Now I realized, it's hard to avoid him when we are both in the same circle of friends.

At tuluyan na nga akong napako sa kinatatayuan ko na parang nabuhusan ng malamig na tubig nang makita sila doon. Caius... even thinking of his name hurts me. Parang wala akong karapatan bigkasin ang pangalan niya. His back is facing me so he surely have no idea that I am behind him.

"Icah!" Tawag ni Kesha nang makita ako. Halos tumakbo na ako nang unti-unting lumingon si Caius. Sa huli, wala akong nagawa kundi lumapit sa mga kaibigan ko na parang ayos lang ang lahat. Ramdam ko ang tingin ni Red at Dale saakin. So... I guess they knew.

"Nagyaya sila maglunch. G?" Sabi ni Kesha.

"L-Libre ba?" Pagbibiro ko pa kahit na sobrang kinakabahan.

"Libre ko!" Parang batang excited na sabi ni Red. "Minsan lang 'to kaya sumama ka na! Alam ko naman gusto ka rin niya makasama!" At tumawa ito sabay nakaw na tingin sa lalaking nasa likod ko na ngayon.

Stolen || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon