"Icah, Lexie, takbo na. Dali!" Mahinang sabi ni Kesha habang nakasilip sa may likod ng kotse na pinagtataguan namin.
"Tara, Icah!" Hinila na ako ni Lexie.
Abot langit ang kaba ko dahil dito sa ginagawa namin. First day of class ngayon at nagkayayaan kaming magkakaklase na maghang-out para daw may bonding kami nang sa gano'n ay magiging maganda ang relationship namin sa isa't-isa. Ang dami nilang achuchu, diba?
Mabilis kaming tumakbo palabas ng Scarlet High kung saan ako nag-aaral. Tinataguan namin iyong driver ko na si Manong Edgar na naghihintay sa may main exit ng school.
Tatlo kasi ang gate papasok sa school; una ay ang gate sa pinakaharap ng school, dito pwede pumasok lahat ng mga estudyanteng may sasakyan o kaya iyong mga estudyanteng hinahatid ng mga driver nila kagaya ko dahil pagkapasok mo kasi sa mismong gate ay isang malawak na open ground na inilaan talaga para maging car park.
Pangalawa ay iyong sa may gilid kung saan malapit sa mga elementary at junior high school. Dito dumadaan ang iba pero karamihan ay sa main gate talaga.
At ang panghuli ay sa may likod ng school kung saan karaniwang dumadaan ang mga college students at seniors.
Ngunit halos lahat ata ng mga estudyante rito ay sa main gate dumadaan dahil may mga dala itong kotse o di kaya'y may gusto silang makita na palaging dumadaan rito. Ganoon naman talaga minsan. Lalo na ang mga juniors dahil sila iyong mga may crush sa mga seniors at college students. Hay nako, ang babata pa, eh.
Sa gate ng mga elementary at juniors kami dumaan para hindi kami mahuli ni Manong. Kung sa mismong gate pa kasi malapit sa building namin sa likod kami dumaan ay mapapalayo kami sa pupuntahan namin dahil kailangan naming ikutin iyong buong school.
"Whoo..." sabay-sabay kaming bumuntong hininga.
"Muntik na tayo doon, ah?" Si Lexie na hawak pa ang dibdib dahil hingal na hingal sa pagtakbo.
"Ow shit," bulong ni Kesha at agad tumalikod. Pinanlakihan niya kami ng mata at sinenyas ang likuran niya kaya tumingin kami ni Lexie doon.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Manong na lumilinga-linga. Putek naman! Kahit ngayon lang po, oh?
"Tara na, tara na. Act normal, girls!" Pag-iinstruct pa sa amin ni Lexie at nauna na itong naglakad.
"Ma'am Jeicah? Ma'am! Andito ho ang sundo niyo!" Rinig kong sigaw ni Manong Edgar.
Napapikit na lang ako ng mariin at pinigilan ang sariling lumingon. Minsan lang ako susuway, eh, mahuhuli pa. Tsk!
"Wag ka nang lumingon, sis." Bilin ni Kesha.
"Lagot ako neto, guys..." malungkot na sabi ko.
Huminto silang dalawa sa paglalakad at hinarap ako. Bumuntong hininga si Kesha at si Lexie naman ay sumulyap sa likod ko.
"Sis, let me ask you, do you really want to go to this party thingy?" Kesha asked. "Be honest,"
I nodded. I want to. I really do because I know it'll be fun and I want to have fun. But the consequences... I don't think I can handle it.
"Then, let's push this tutal sinimulan na natin." Si Lexie.
"Look, medyo B.I kami sa part na 'to pero bub, gusto ka lang namin samahan sa mga bagay na gusto mong gawin at pasayahin ka dahil iyon 'yung pinagkakait sayo sainyo." Sincere na sabi ni Kesha. Grabe, kung wala lang akong problema ngayon, tatawanan ko talaga kadramahan neto.
BINABASA MO ANG
Stolen || COMPLETED
General FictionJeicah and Caius have their own reasons why both of them are scared of commitments. When everything's uncertain, are they willing to take risk? When the person they want to keep are against their relationship, are they willing to fight for it? Stole...