18

52 3 0
                                    


Last day. It's actually sad for us to leave this paradise. I mean, we had a lot of fun! Hindi ko maiwasang isipin na baka pagkatapos nito'y tadtad nanaman na requirements ang ibigay saamin ng mga profs. Tuso pa naman sila lalo na sa aming 12-A.

"Let's go swimming?" Aya ni Lexie. Kanina pa kasi kami nandito sa lounger at walang balak umalis.

"Mamaya na." Sabi ni Kesha habang nakapikit ang mga mata.

Ngumuso si Lexie. "Please?" Ako naman ngayon ang kinukulit.

"Okay," pagpayag ko. Napatili siya at pumalakpak na parang bata. Umiling na lang ako.

Nagsimula nang magtanggal si Lexie ng cover-up niya kaya ganoon rin ang ginawa ko. I wore a long beach dress with my white two-piece bikini underneath. I am actually not comfortable with my body but these two said that I shouldn't worry because I am 'super freakin hot.'  According to them. Hindi ko alam kung binobola lang nila ako o ano, e.

"Kesh, come on!"

"Can't you go alone, Leianny?" Iritadong sabi Kesha pero sa huli ay tumayo na rin ito para sumunod saamin.

Hindi namin alam kung nasaan sila Cai, Red at Dale kaya kaming tatlo lang ang magkakasama. Mamayang tanghali ang alis namin kaya naman sinulit na namin ang pagligo sa dagat.

Maya-maya pa ay bigla na lang lumitaw ang tatlo kung saan. Kumakaway si Red saamin dahil nasa dagat pa nga kami at sila'y nasa lounger na hinihigaan namin kanina. Dahil doon, umahon kaming tatlo at naglakad papalapit sakanila.

I suddenly have the urge to cover my almost naked body. I could sense Cai's staring at me like I'm some kind of scenery. Nang makalapit ako ay umupo ako sa tabi niya.

"Huy," siniko ko siya dahil tulala lang ito at parang galit.

"Hm?" Sabi niya lang.

"You 'kay?"

"Yeah," pati iyon ay labas sa ilong niyang sabi. Ano ba'ng problema nito?

"Girls, let's go take a pic there!" Turo ni Lexie sa isang banda'ng puro rock formation.

"Tara," sabi ko na lang din dahil awkward talaga sa feeling na naka bikini lang ako sa harap ng mga lalaking ito! Sumunod din saamin si Kesha.

"Ako na magpipicture." Nagvolunteer si Red kaya sumunod siya saamin at syempre dahil trio sila, kung nasaan ang isa, nandoon silang lahat. Gosh, akala ko nakaligtas na ako sa mabibigat na tingin ni Caius, e!

"Usog ka dito, Icah!" Tinuro ni Red ang sa kanan ko kaya umusog naman ako. "Ayan! One... two... three.. smile!" Pagbilang niya pa. Naka ilan yata kaming kuha doon at nanatiling nanonood iyong dalawa sa malayo.

"Group picture!" Sigaw ni Lexie. "Xavier! Caius! Come here!" At lumapit ang dalawa.

"Oy, oy, oy, pareng George! Baka naman pwede mo kaming kuhanan ng picture?" Tawag ni Red sa napadaang si George kasama si John. Pumayag si George kaya pumwesto na kami. From left to right, it was Dale, Lexie, Kesha, Red, Me and Caius. Si Dale ay simpleng nakatayo lang palapit kay Lexie habang hinahangin ang polo pati na rin ang buhok. Si Lexie ay cute na nakangiti lang. Kesha looks like a young badass chic. Habang si Red ay naka-akbay saaming dalawa ni Kesha at nasa mukha nanaman niya iyong friendly smile niya. Ako ay prente lang na naka ngiti ngunit nagulat ako nang naramdaman ko ang mainit na braso ni Caius sa bewang ko. Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng bewang ko at nakitang nandoon nanatili ang kamay niya malapit na sa tiyan ko.

"Isa pa!" Sabi ni George kaya bumawi ako ng ngiti.

"Salamat, bro!" Sabi ni Red saka kinuha ang phone ni Lexie dahil iyon ang ginamit namin.

Stolen || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon