"Wow, this house is nice, Red!" Lexie exclaimed when we arrived at Jared's.
"Ah," sabi lang ni Red at kumamot sa batok niya. "Pasok kayo,"
Pumasok kaming lahat sa loob. Their house is very modern. Iyong tipong, sa unang tingin mo pa lang, alam mo nang may ibubuga ang pamilya niya.
Umupo kami nila Kesha at Lexie sa mahabang couch doon sa may sala. Si Dale at Caius ay dumiretso sa kusina na para bang sanay na sanay na sila rito. Samantalang si Red ay umakyat muna sa kwarto niya.
"Ganda ng bahay nila Red, 'no?" Sabi ko sa dalawa. Agad namang tumango si Lexie.
"Mayaman pala 'yong pula na 'yon." Bulong ni Kesha. "'Di kasi halata," natawa siya.
"Red, gutom na 'ko!" Sigaw ni Caius.
"Walang pagkain sa ref, Jared!" Si Dale.
"Pumunta ba kayo dito para lumamon, ha?!" Singhal sakanila ni Jared nakakababa lang. Mukhang naligo ulit siya.
"Ano ba yan? Ang laki at gandang bahay tapos walang pagkain," pagpaparinig ni Kesha. Tumaas naman ang kilay ni Jared.
Ayan na naman sila.
"I'm also gutom, Red..." Lexie pouted.
"Gutom ka na ba?" Lumalapit saakin si Caius.
Gulat akong lumingon sakanya. Kanina nasa kusina lang siya, ah?
"Oh, right! I'm sure Icah's hungry, too. She did not eat breakfast," Lexie snapped her fingers.
Caius frowned. "You didn't eat yet?"
"Uh, yes?" Patanong kong sabi.
"I'm the one asking. Why are you asking me back?"
"I mean, yes, I didn't eat yet." I said. "I'm in a hurry, that's why."
"Okay, then. What do you want?" He said, asking what food do I wanted to eat.
"Anything will do," I answered. Nakakahiya naman kung mag-rerequest pa ako ng wala, diba? Okay na 'yong sagot ko para safe.
"I'll cook," Dale suggested.
"Wow! You know how to cook?" Lexie said, obviously amazed. For her, Dale is the real deal.
"Uhm, medyo lang," nahiya naman si Dale.
Cute nila.
"Anong lulutuin mo ba, pre?" Tanong ni Red pagkalabas ng kusina.
"Ano bang pwede diyan?"
"Hindi ako nakapag-grocery, e." Sabay kamot sa ulo.
"Eh anong meron diyan?!" Inis na sabi ni Kesha. "Huwag mo sabihing itlog lang meron kayo dito sa napakalaki niyong bahay?!"
Napatakip si Jared sa bibig niya. "Hala?! Bakit mo alam?"
Napasapo kaming lahat sa noo namin maliban kay Lexie na mukhang masaya pa dahil doon.
Umirap si Kesha at sumimangot. Hala... oo nga pala....
"It's fine, guys! Masarap naman ang egg, ah?" Sabi ni Lexie.
"Magprito ka na, Dale," natatawang sabi ni Caius, tinapik niya ang balikat ni Dale at umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Stolen || COMPLETED
General FictionJeicah and Caius have their own reasons why both of them are scared of commitments. When everything's uncertain, are they willing to take risk? When the person they want to keep are against their relationship, are they willing to fight for it? Stole...