"Lex? Seriously?" Wirdo akong tumingin sakanya.
Umiling siya na para bang iwinawaksi ang mga namumuong ideya sa utak niya. "Yikes, what's wrong with me?" Tanong niya sa sarili. Natawa na lang ako at binalewala iyon.
"But...." kumunot ulit ang noo niya. "You three really do look alike, though!"
"Are you having a hard time with your eyesight, Leianny Cyxie?" Natatawang sabi ko.
"What can you say, Kesh? Tama naman diba?" Tumingin kami kay Kesha.
"'Di ko sila nakita, e. Busy ako sa paglaaro, hehe," napasapo na lang sa noo niya si Lexie at umiling na lang ako.
"Rest, babe." I told her and she pouted.
"It's real, though!" Pamimilit niya pa. I just shook my head and gave her a pat on the top of her head.
Nang makalipas ang kalahating oras ay napagdesisyonan naming bumaba na sa booth para kami naman ang magbantay doon dahil kanina pa sila Nesi dito. Agad akong nagsisi sa pagbaba sa ground dahil sobrang init at crowded ng paligid sa sobrang dami ng tao. Maingay ang grupo ng soccer team sa may tapat lang namin sila nakapwesto.
"Hoy, Pula!" Tawag ni Kesha kay Red na busy sa phone niya.
"Ano?" Sabi nito nang hindi siya tinitignan.
"Huwag ka nga'ng maupo lang diyan! Tumulong ka, aba!" Sermon sakanya ni Kesha. Bumuntonghininga lang si Red at sumunod sa utos nito.
Habang tumatagal, nagrereklamo na ang mga classmates ko dahil nga halos lahat ng costumers ay nasa booth ng soccer team. May pa-free hug sila! Grabe, ang uutak.
"Ano plano?" Si George.
"We will really regret this if we don't win." Kylie said. "The prize is really extravagant. It is what we all wanted." Mas lalo lang kaming na-curious sa sinabi nito. She's the SC Vice President. Of course she knew.
Ang mga ibang booth ay gumagawa na rin ng sarili nilang paraan maka-attract lang ng tao. Biglaang tumayo si Jared habang naka-point ang index finger niya sa taas na para bang may idea siya.
"Kanta tayo, bro!" Nilingon niya iyong dalawa.
"Hell no." Tanggi ng dalawa.
"Hell yes! Panahon na para ibahagi sa mundo ang aking taglay na boses." Pagmamalaki pa nito.
"Mag-isa ka," sabi lang ni Dale at iniwan siya doon. Ganoon rin si Cai.
"Stupid. Can you really sing?" Kesha tried to sound annoyed but we couldn't deny the fact that she's also curious about it.
"Hah! Baka ma-inlove ka na saakin nun!" Ngumisi si Jared.
Nasamid si Kesha sa iniinom. "Kapal," bulong niya.
Nag-mamadaling tumakbo si Jared patungo sa kung saan habang hinahatak si Dale at Caius na parehong nagrereklamo. Nang makabalik sila ay may dala nang dalawang gitara na nakasabit sa balikat nila sina Caius at Jared.
The two look really annoyed while Jared seems to be happy. Well, it's his idea after all. The three of them took a chair and sat on it in front of our booth. Jared and Caius started to tune the guitar while Dale was just fidgetting with his phone. He look so snob. Kaya siguro natatakot ang ibang lumapit dito dahil sa awra nitong masungit.
"'Yan! Ayos na!" Deklara ni Jared. Binalik ni Dale ang phone sa bulsa niya at tinignan ang dalawa na mukhang nag-aalinlangan pa.
"He'll sing?" Hindi maitago ni Lexie ang pagkamangha sa boses niya. "Oh, my. Is this real?" Mahina niya pang sinampal ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
Stolen || COMPLETED
Художественная прозаJeicah and Caius have their own reasons why both of them are scared of commitments. When everything's uncertain, are they willing to take risk? When the person they want to keep are against their relationship, are they willing to fight for it? Stole...