Chapter 2

25 7 0
                                    

LIGTAS na nakauwi si Cali kahit na lasing. Umiikot-ikot padin ang kanyang paningin. Dahil sa sobrang hilo, sa sofa na sya humiga at hindi nya namalayan na nakaidlip na sya.

Makalipas ang mahigit tatlumpung minuto, nagising sya. Lasing padin.

"Teka ... magtatapon pala ako ng basura" aniya sa sarili.

Pumunta sya sa kusina at kinuha ang isang garbage plastic na may lamang basura. Kahit na iikot-ikot ang kanyang paningin, lumabas padin sya ng unit upang pumunta sa garbage chute ng kanilang floor.

Dahan-dahan syang naglalakad, pagewang-gewang. Hanggang sa matagumpay nyang naitapon sa garbage chute ang basura. "Yehey!"

Naglakad na sya pabalik sa unit.
Tinignan nyang mabuti ang mga pinto ng mga unit. Binilang nya ito.

"One ... two ..." naduduling na sya kakabilang sa pinto. "Three ... four ... five!" Pumasok sya sa ikalimang pinto.



🌸
HINDI makapaniwala si Lean na nasa unit nya sa Cali. Paano ito nakapasok doon? Tinignan nya ang kanyang pinto at nakita ang isang payong na malapit sa pinto. Iyon ang dahilan kung bakit hindi automatikong nag-lock ang kanyang pinto, humarang iyon kanina.

Shit naman! Sakit naman sa ulo 'tong babaeng 'to.

"Miss Arcilla" ginigising ni Lean ang babae. Pinindot pindot ito sa braso gamit ang kanyang hintuturo. Ngunit hindi nagising ang dalaga.

Wala ng ibang paraan! Lumabas si Lean at pumunta sa unit ni Cali. Doon nya nakita na nakasara na ang pinto ng unit ng dalaga.

Teka. Baka dala nya ang susi.

Bumalik si Lean sa kanyang unit. Tinignan nya ang lugar sa paligid ni Cali. Wala itong kagamit gamit.

What the fuck! Ibig sabihin lumabas sya ng walang susi!

Napakamot si Lean sa ulo. Wala na syang ibang choice, binuhat na nya ang dalaga at dinala ito sa kanyang kwarto.

"Pasalamat ka at hindi ako masamang tao" Lean sighed.

Akmang maglalakad na sana palabas si Lean ng kwarto ng biglang hatakin ni Cali ang kanyang braso.

"Hmm? Neighbor 1004? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong ng dalaga. Wala padin ito sa kanyang tamang kaisipan.

"Para sa'yong impormasyon, kwarto ko ito at ikaw ang pumunta dito sa unit ko" sagot ni Lean at umupo ito sa sahig para mas lumapit ang mukha nya sa dalaga at maintindihan nito ang kanyang sinasabi.

Hindi naman tumugon ang dalaga. Bagkus, nakatingin lamang ito sa kanyang mga mata.
Anong problema nito?

Patuloy padin ito sa pagtitig hanggang sa hindi na naging komportable si Lean doon.

Nailang na sya.

"Ang ganda pala ng mata mo Neighbor 1004" ani Cali.

Lalo pang nailang si Lean.

"Tapos ang pink ng lips mo"

Ano bang pinagsasasabi ng babaeng 'to?

Naiilang pa lalo si Lean. Kahit kasi na magkapitbahay sila, hindi sila nagkakausap ng
matagal. Laging Hi, Hello lang o kaya naman kakatok ito sa pinto nya para ibigay ang kanyang delivery.

Kaya naman ngayon ang sitwasyon kung saan malapit ang mukha nya sa dalaga at kung saan tinitignan nito ang napakaganda nitong mga mata ay sobrang nakakailang para sa kanya.

Maya-maya pa'y bigla syang sinampal ng dalaga dahilan upang mabasag ang katahimikan at mawala ang pagkailang nya.

"What the fuck?!" Napamura sya ng malakas dahil dun.

One Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon