Chapter 13

15 3 0
                                    

"WELCOME to our resort!" Masayang bati ni Lea sa kanila. Sinalubong kasi sila nito sa parking lot ng malamang nakarating na sila. "Well, nandito din naman kayo last year kaya I'm sure hindi na kayo mamangha sa ganda ng resort na ito"

Lumapit sina Sheena, Eri, Cali at Ara kay Lea at pagkatapos, nagbeso-beso ang magkakaibigan.

"Nga pala Lea, Si Joan, secretary namin sa firm slash frienny frienny na din namin ni Cali" pagpapakilala ni Eri kay Joan. Lumapit naman ang baklitang ito kay Lea.

"Hi Miss Lea, nice meeting you po"

"Nice meeting you din Joan, feel ko magkakasundo tayo" ani Lea at bineso si Joan. Matapos nun bumaling naman sya kay Mark, kilala kasi nya iyon noong college pa dahil madalas nitong puntahan si Ara sa kanilang department. "Wow Mark, ikaw na ang kasama ni Ara ngayon a, parang last year lang si Dave ang kasama nya a"

Nang marinig ang pangalan ng ex, nagalit si Ara. "Stop mentioning that jerks name!"

"Okay fine, chill girl" ani Lea at bumaling naman sya sa kasama nila Cali na matangkad na lalaki at sobrang gwapo. Shit! This guy is so handsome.

"Uhm, Lei, si Lean nga pala, b-boy..." nauutal si Cali hindi nya kasi masabi na boyfriend nya si Lean kasi hindi naman totoo. Kapag sinabi naman nya ang totoo, magtataka ang lahat bakit sinama nya ito. Baka isipin pa ng lahat, ginagawa lang nya yun para pagselosin si Ryan.

At dahil hindi nga nya magawa, to the rescue si Sheena.

"Boyfriend ni Cali! Would you believe itinago ni Cali at Eri sa atin ang breakup ni Cali at Ryan, tapos itinago din sa atin na may bagong boyfriend na sya" ani Sheena na kunwari nagtatampo kay Eri at Cali.

"Nu ba kayo girls, syempre hindi ko naman pwedeng i-broadcast yun, private life ni Cali yun" sagot naman ni Eri.

"Well it doesn't matter now. Atleast ngayon, alam na natin. And that is okay, napalitan na yung gagong Ryan na yun sa buhay ni Cali" mataray na ani Lea. Maging sya kasi ayaw kay Ryan para kay Cali.

May samahan kasi sina Sheena, Ara, Eri at Lea, yun ay ang No to Ryan and Cali relationship. Pero syempre hindi naman nila magawang mapaghiwalay ang dalawa noon, dahil mahal na mahal ni Cali si Ryan, NOON.

"Kaya naman 'wag kang mag-alala Lean, dahil samahan kami ng No to Ryan and Cali relationship! Kaya boto kaming apat sa'yo. Boto kami sa hashtag CaLean loveteam!" Ani Lea at sabay thumbs-up na ginaya naman nina Eri, Ara at Sheena.

Dali-dali namang gumaya si Joan. "Make it five mga te! Boto din ako sa hashtag CaLean Loveteam!"

Napailing-iling nalang si Cali ng dahil sa kabaliwan ng mga kaibigan nya.

"Dami nyong alam! Pasok na!" Ani Mark at hinila si Ara papasok ng resort. Nagsisunuran naman ang lahat dun.

"Lean, sorry talaga. I didn't mean to pretend kaya sorry talaga" paghingi ni Cali ng tawad. Alam nyang mali ang ginagawa pero wala din kasi syang choice.

"Don't worry, ayoko din naman sa gago mong ex. Tsaka baka magpa-member na ako sa samahan nila na No to Ryan and Cali Relationship" biro ni Lean dahilan upang matawa si Cali.

Natawa man sya dun, hindi parin nya maiwasan ang hindi mag-isip. Ayaw mo kay Ryan? Bakit? Matutuwa ba ako na ayaw mo sa kanya? O baka naman umaasa lang ako na may ibang ibig sabihin yun?

Umiling-iling nalang si Cali, matapos nun nagpatuloy sila sa paglalakad.

Maya-maya pa'y nakarating na sila sa tapat ng dalawang cabin. Ang cabin na iyon ay may dalawang kwarto.

One Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon