ANIM na araw nang hindi nagkikita sina Lean at Cali. Busy kasi si Lean at ayaw namang istorbohin yun ni Cali. Late na din palaging umuuwi ang binata kaya hindi narin sila nagsasabay maghapunan. At ngayon nga araw ng biyernes. Siguro naman bukas hindi na busy ang kasintahan nya.
Napabunot ng malalim na buntong hininga si Cali. Agad naman iyong napansin ni Eri at Joan dahil ang kanilang opisina ay hindi naman nga kalakihan.
"Miss Cali, Yung buntong hinga na ginawa mo ngayong araw, hindi ko na mabilang" ani Joan.
"Oo nga, hindi na naman ba kayo nagkita ni Lean kahapon?" Tanong ni Eri. Alam na kasi ng dalawang kaibigan na boyfriend na nga nya si Lean. At alam din ng dalawang ito na anim na araw na nga silang hindi nagkikita kahit na magkapitbahay lang naman sila.
"Oo. Late na din kasi sya nakauwi kagabi. Nung tinignan ko yung text nya, ala-una na ng madaling araw sya nakauwi. Tulog na ko nun, wala naman na kasi tayong nira-rush" paliwanag ni Cali at halata sa pananalita nya ang pagkadismaya sa mga nangyayari ngayon.
"Ganun talaga Miss Cali kapag in a relationship. You have to understand each other's time. May time na busy ang isa, may time naman na yung isa ang busy. Kailangan nyo lang intindihin ang isa't-isa" payo ni Joan na akala mo may jowa kung makapag-payo.
"Kahit na! I miss him alre—" pagrereklamo ni Cali ngunit natigilan sya ng makitang tumatawag si Lean sa kanya.
Lean De Castro Calling ...
"—it's him! It's him" excited na ani Cali at sinagot ang tawag ng kasintahan. "Hello Lean?"
Hindi naman naririnig nina Eri at Joan kung anong sinasabi ni Lean na nasa kabilang linya. Ang tanging naririnig lang ay ang mga salitang binibigkas ni Cali.
Pero hindi yun ang pumukaw sa atensyon ni Joan, kundi ang tawag ni Cali sa kasintahan na pangalan lang at wala man lang endearment."Lean lang tawag ni Miss Cali kay pogi number 1?" Nilingon ni Joan si Eri at tinanong ito.
"Yup. Cali is not used to using endearments to anyone. Kahit kay Ryan noon" sagot ni Eri.
"Oh" bumaling naman uli ang atensyon ng dalawa kay Cali na kausap ang kasintahan sa cellphone.
"Okay" matamlay na ani Cali. Mukhang may ideya na sila sa kung ano ang sinabi ni Lean na nasa kabilang linya. "Just promise me na sa sunday magkasama na tayong mag-breakfast, lunch at dinner!"
She paused. "Okay bye, bye. Ingat ka pauwi mamaya. Text mo 'ko"
Then the call has ended.
Lumingon si Cali sa dalawang kaibigan. "He's busy until tomorrow. But he promised na free na sya by Sunday"
"That's good to hear Miss Cali. Atleast, magkakasama na kayo ulit" nakangiting ani Joan.
Maya-maya pa'y biglang mag pumasok sa kanilang opisina. The man is wearing a black suit. He is tall, white complexion, at kahit na medyo may edad na, they can still see that this man is handsome.
"Good afternoon Sir, welcome to A+E Designs" pagsalubong ni Joan sa bisita. "What can we do for you, Sir?"
"Good afternoon, I'm Robert Angeles at gusto ko magpa-design ng residential house" ani ng lalaki kaya naman agad-agad tumayo sina Cali at Eri at lumapit sa bisita.
Pinaupo nila ito sa sofa sa waiting area at sila naman sa sofa sa harap nito. Si Joan naman tulad ng dating gawi, nag-asikaso ng maiinom ng bisita.
"Good Afternoon Sir, I'm Architect Averi Esguerra" pagpapakilala ni Eri.
"I'm Architect Calista Arcilla" si Cali naman ang sumunod at nakipag-shake hands sa kliyente.
"Nice meeting you Architects. Yun nga, may ipapa-design akong bahay gusto ko sana mapuntahan nyo yung site bukas para mapag-usapan nadin natin yung magiging budget ko" ani ng kliyente.
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
Romansa"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...