"PANGALAN" tanong ng Ama ni Cali kay Lean. Ang simpleng hapunan napunta sa interrogation sa binata. Sila ay nasa hapagkainan, magkatabi ang kanyang ama at Ina, katapat naman sila ni Lean.
"Cerulean De Castro po" sagot ni Lean at itinango nito ang ulo. Parang Hapon ang binata na napakagalang sa tapat ng mga magulang ni Cali.
"Anong trabaho mo? Kaya ba nung buhayin ang anak ko?" Sunod na tanong ng ama.
"Uhm... may maliit po akong restaurant" nag-aalangan na sagot ni Lean. "...tingin ko po kaya sya buhayin nun"
"Kahit na tumigil sya sa pagt-trabaho kaya syang suportahan ng restaurant mo?"
Napangiti si Cali. Nako Tay, maniwala ka dyan na maliit lang restaurant nyan. Baka magulat ka pag nakita mo.
"O-opo kaya po, sa tingin ko" pa-humble pa si Lean sa mga sagot nya.
"Ilang taon ka na? Malusog ka ba at walang sakit?"
"27 po, at opo malusog po ako at walang sakit"
"Ang mga magulang mo anong tra—" magtatanong pa sana ulit ang Ama ni Cali ngunit pinigilan na ito ng kanyang ina.
"Mahal tama na yan, lalamig na ang pagkain. Tsaka ka nalang magtanong ng magtanong kapag sila na ng anak mo" ani ng kanyang Ina at iniabot nito ang lagayan na may kanin, upang makakuha ito.
"Sabagay" napatango-tango ang kanyang ama, pero bigla na naman tumaas ang boses nito ng ma-realize ang sinabi ng Ina "Anong maging sila?! Hindi pa ako pumapayag! At Calista, hindi mo sasagutin yang lalaking yan hanggang hindi ko sinasabi!"
"Pero tay—" magrereklamo pa sana si Cali ngunit hinawakan ni Lean ang kamay nya na nakapatong sa lamesa. Nilingon nya ito at bumuka ang mga labi nito at sinabing 'okay lang' ng walang tunog.
Hinayaan na lang ni Cali. Gusto din nya na kung magiging sila nga ni Lean, e tanggap ito ng kanyang mga magulang.
Matapos makakuha ng kanin ng mga magulang ni Cali. Si Lean naman ang kumuha nun at sya ang nagsandok papunta sa pinggan ni Cali. Normal na nilang ginagawa yun, pero para sa mga magulang ni Cali, hindi. Hindi nila inaasahan iyon. Dahil noong si Cali at Ryan pa lang, sa tuwing bibisita si Ryan, si Cali ang nagsisilbi sa binata. Ngayon, si Cali naman ang pinagsisilbihan.
Pinagmamasdan mabuti ng Ama ni Cali ang dalawa.
Hindi ginagawa iyon ni Lean para magpa-impress sa mga magulang nito. Para bang ginagawa nya ito dahil ganun talaga syang klase ng tao. Kind and gentle.
"May gagawin ka ba sabado at linggo?" biglang tanong ng Ama ni Cali kay Lean habang nasa kalagitnaan na sila ng pagkain.
"Wala naman po" sagot ni Lean.
"Mabuti naman, pumunta kayo ni Calista sa bahay"
"Tay, pagod na po si Lean sa trabaho nya nun. Ako na lang po ang —" ani Cali ngunit naputol iyon dahil sumagot si Lean sa Ama nya.
"Sige po, pupunta po kami"
Wala ng nagawa si Cali dahil pumayag na si Lean. Pero mabuti na din siguro iyon para mas makilala ni Lean ang tunay na sya. Matapos ang hapunan, bumalik na din kaagad si Lean sa kanyang unit. Sila Cali naman, nag-ayos nadin para matulog.
Ang ama ni Cali sa sala natulog, samantalang ang ina naman nya katabi nya sa kama. At dahil hindi makatulog, kinuha nya ang cellphone at tinext si Lean.
To: Lean De Castro
Nakauwi ka ba ng maayos?Tinanong nya ito na para bang napakalayo nila sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
Romance"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...