MATAPOS nila mag-usap, pumunta sila sa hospital. At dahil hindi marunong magmaneho si Cali, at hindi kaya ni Lean, nag-taxi na lang sila papunta doon. Nagamot na din si Lean at naalis na ang bala sa braso nito dahil hindi naman masyadong malalim yun. Ang kailangan na lang nya ang hintayin ang 'go' signal mula sa doctor na pwede na silang makauwi.
Tulad ng sinabi ni Lean kay Cali kanina, a police will appear to get their statement about what happened. Ang hindi nila inasahan, si Detective Soriano ang dadating at gagawa nun.
"So, what happened dude?" Tanong ni Levi kay Lean. Si Cali naman nakaupo lang sa isang stool chair sa tabi ng kama, habang si Lean naman ay nakaupo sa kama at nakasandal sa head board.
"As you can see, I'm wounded" sagot ni Lean. That is a good answer but Cali knows that the detective doesn't want that kind of answer.
"Sumagot ka ng maayos Cerulean. I am doing a report kaya ayusin mo ang sagot mo" seryosong ani ng detective.
"Nahanap nya ako at binaril. Luckily it was just a threat kaya hindi ako napuruhan" Lean answered and then Detective Soriano looked at Cali.
"And you? Nasaan ka ng mangyari yun?" He asked. Alam nito na nagsisinungaling sila ni Lean.
Ibubuka na sana nya ang bibig para magsalita nang maunahan sya ni Lean.
"She was on the penthouse Levs. The incident happened on the 10th floor. May kukunin ako sa unit ko at nakalimutan kong i-lock ang pinto dahil sa pagmamadali. Hindi ko alam na nagmamatyag na pala si Arthur dun"
"Is that true?" Hindi padin iniiwas ng Detective ang tingin kay Cali. Well, that is true, part of. Totoo naman kasi talaga na nasa penthouse si Cali at si Lean nasa 10th floor. Kaya naman hindi na sya nahirapan magsinungaling.
"Yes" walang pag-aalinlangang sagot ng dalaga.
"Okay, I'll make a report on that" sagot ni Levi at iniwas na nito ang tingin sa dalaga. Lumingon ito kay Lean. "Get well dude"
Hindi pa man nakakaalis ang detective, kinuha uli ni Lean ang atensyon nito. "Levi, pumunta ka sa penthouse kapag nakalabas na kami ni Cali dito. Pumunta ka dun bilang kaibigan at hindi bilang detective. May kailangan tayo pag-usapan"
Tumango lang ang detective at umalis na din kaagad.
🌸
NAKAUWI na sina Cali at Lean sa Edelweiss Residences. Mabuti nalang maayos na ang lagay ni Lean at pinayagan na siyang umuwi ng doktor. Hindi naman kasi masyadong malala ang nangyari sa kanya at natanggal na din ang bala. Kaya naman, hindi na nya kailangang manatili sa hospital ng ilang araw.Pagkapasok na pagkapasok nila ng penthouse, napansin nyang hindi umiimik si Cali. Pagod ba ito? O baka naman nag-aalala pa din ito sa kanya?
"Cal—" pagtawag nya sa kasintahan ngunit naputol ito ng may mag-door bell. Napatingin sya sa intercom at nakitang si Levi at Dax iyon.
He is expecting Levi to come but what the heck is Dax doing here also?
"Sa kwarto lang ako para makapag-usap kayo ng maayos" Cali smiled. That was a fake smile. He knows it. Dahil kilala na nya ang girlfriend. Alam nya kapag may bumabagabag sa isip nito.
Ngunit imbes na tanungin ito, he decided to do it later. "Talk to you later, okay?" He then kissed his girlfriend at her forehead.
Tumango lang naman ito at pumunta na sa kwarto.
After that, he opened the main door. Pumasok ang dalawa nyang kaibigan at dumeretso ito sa sala.
"What are you doing here Dax?" Tanong nya sa kaibigan. Hindi naman sa ayaw nito na nandoon yun, kaya lang, si Dax ang dahilan kung bakit nakakulong si Arthur. At dahil tungkol kay Arthur ang pag-uusapan nila ni Levi, hindi iyon pwedeng marinig ni Dax.
![](https://img.wattpad.com/cover/231574749-288-k406619.jpg)
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
Romance"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...