Chapter 26

8 3 0
                                    

"BINGO!" Ani Eri ng tumama sya sa kanilang nilalaro. Ngayon na lang kasi sila nagkita-kita nina Joan at Cali. Miss na miss na nila ang isa't-isa at bingo nga ang ginawa nilang libangan. Sinali din nila si Detective Ki Minerva na dapat ay binabantayan sila, ngunit napilit nila.

Yun nga, naglalaro sila ng bingo. At nang masabi ni Eri na bumingo na sya, agad nilang tinignan ang card na hawak nito. Isang straight line ang nagkapag-bingo sa kanya.

"See?" Tuwang-tuwang ani Eri, limang card kasi ang hawak nya. Tig limang piso bawat card, at sulit ang binayad na 25 pesos kung ito nga ang mananalo.

Tinignan ni Detective Ki ang card ni Eri. "Sorry to say this Miss Eri, pero hindi ka pa bingo. Hindi pa lumalabas ang number 72"

"Wah, Miss Eri cheater!" Pang-aasar ni Joan.

"Hoy! Lumabas na yung 72!" Pagde-defend ni Eri sa sarili.

"My memories are always right Miss Eri. At sinasabi ko sa'yo na hindi pa lumalabas ang 72" ani naman ni Detective Ki.

"Sige para walang away, tignan na lang natin" si Cali naman ang nagsalita. Sumang-ayon naman ang iba sa kanila. Kaya naman, tulong-tulong sila sa paghahanap sa number 72.

Makalipas ang paghahanap, hindi pa nga lumalabas ang numerong iyon.

"Told ya"

"Nakakainis naman! Akala ko ako na ang panalo" nagrereklamong ani Eri. "Ipagpatuloy na natin ang laro! Hindi ako papayag na hindi ako bibingo!"

Nagtawanan ang lahat at napagdesisyunang nagpatuloy sa paglalaro.

Ngunit bago iyon mangyari, someone's phone is ringing. Lahat sila natigilan, at nakitang cellphone ni Detective Ki iyon.

"Wait, this is Sir De Castro, I need to answer this"

Sir De Castro? I thought they are friends? Bakit sir ang tawag ni Ki sa kanya? Napapaisip si Cali pero ang ikinatataka nya, bakit kay Ki ito tumawag at hindi sa kanya? E alam naman nitong magkasama sila.

Something is wrong.

Pinakinggan nya ang mga sinasabi ni Ki.

"Okay Sir, Sorry If I didn't notice it earlier" He paused. "Okay Sir, I'll protect them, I promise" after that, the line died.

Lumapit na si Cali kay Ki, dahil halatang nabahala ito ng makausap ang kasintahan nya. "Detective Ki, what happened?"

"Sabi ni Sir De Castro, may nakapalibot daw sa atin na apat na snipers kanina. At sorry po kung hindi ko napansin kaagad. Pero wala na kayo dapat ikabahala, dahil nakatawag na sya sa kinauukulan, at na-clear na ang area" paliwanag ni Ki. Kakabahan sana sya kaya lang napanatag din sya kaagad dahil nakagawa na ng paraan ang kanyang kasintahan.

"Okay lang yung Detective Ki, atleast walang nangyari sa ating lahat" aniya nang mapansing nakokonsensya si Ki dahil wala itong nagawa.

"But I almost put all of you in danger. Kung mas naging alerto lang sana ako" Detective Ki put a sad expression on his face.

"Nako Detective Handsome, Huwag ka ng masyadong mag-alala. Tulad nga ng sabi ni Miss Cali, atleast safe tayong lahat" si Joan naman ang nagpalubag loob sa Detective na iyon.

"Yeah, It's okay. Pero hindi okay yung hindi ako nanalo sa bingo" biro naman ni Eri na nagpangiti sa binata.

"Nga pala Detective, ano sabi ni Lean? Pupunta daw ba sya dito?" Tanong ni Cali.

Tumango naman si Ki. "Yes Miss Cali. Papunta na sya at pagkadating nya, kailangan nating umalis dito. Lahat tayo, kasama ka Miss Eri"

Napakunot ang noo ni Eri. "Bakit? This is my house, may mga civilian police naman na nagbabantay sa akin kaya safe na ako dito"

One Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon