Chapter 1

33 7 0
                                    

"IT'S MY BIRTHDAY!" tuwang-tuwang ani Cali sa sarili ng magising sya at malamang ito ang araw na kanyang pinakahihintay — ang kanyang kaawarawan.

Today is her 25th birthday at sa tuwing dadating ang araw na iyon, may magandang mangyayari. Isa syang positive na tao kaya naman hindi nya hinahayaan na pumasok sa kanyang buhay ang negativity.

Mabilis syang bumangon sa pagkakahiga, naligo at nagbihis. At tulad ng ibang tao sa Pilipinas, ang unang-una nyang ginagawa kapag sasapit ang araw na iyon ay ang magsimba at magpasalamat sa Panginoon.

Matapos magsimba, kaagad na din syang bumalik sa condo upang maghanda dahil alam nyang susurpresahin sya ng kanyang boyfriend na si Ryan at yayain syang kumain sa paborito nilang Japanese Restaurant.

"Welcome back Miss Cali" bati ng guwardya sa entrance ng Edelweiss Residences kung saan sya kasalukuyang nakatira. Pinagbuksan sya ng pintong gawa sa salamin.

Edelweiss Residences isang medium-rise na condo building kung saan nakatira si Cali. Pinili ni Cali na doon bumili ng condo dahil bukod sa konti lang ang tao doon, may sarili pang balkonahe ang kada unit nito. Mayroon lamang itong 12 floors, ang 4 floors ay dedicated sa parking lot ng mga resident na may sasakyan, ang rooftop nito ay mayroong swimming pool at maliit na event hall. Saan ka pa diba? Hindi man kasing kumpleto ito ng ibang condo building pero atleast may swimming pool na pwedeng gamiting ng residents kahit anong oras.

At dahil nga hindi ito masyadong kalakihan, halos lahat ng staff ay kilala na nya. Hindi man sa pangalan pero kilala naman nya ito sa mukha. At dahil din isa nga syang friendly na tao, halos lahat ng staff at residents doon ay kilala sya.

"Thank you kuya guard" pasasalamat nya dito na may ngiti sa mga labi.

"Miss Cali, may delivery po kayo dyan sa reception area. Dumating po kanina nung umalis kayo"

"Hmm, mukhang alam ko na kung ano yung dumating a" ani Cali at parang may hint na sya kung ano ang bagay na iyon.

"Yes Ma'am, tulad po last year sa araw din na ito. Isang magandang regalo na naman po ang dumating para sa inyo" alam din ng gwardya kung ano ang dumating para sa kanya.

"Sige kuya guard, kukunin ko na yun"

Naglakad si Cali papunta sa reception.

"Good morning Miss Cali, at ito po ang inyong delivery na magagandang bulaklak na kasing ganda nyo po" ani ng babaeng receptionist at iniabot kay Cali ang mga bulaklak.

"Good morning din sa iyo aming receptionist na mas maganda pa kaysa sa umaga" binalik ni Cali ang papuri para sa receptionist.

Tinignan ni Cali ang mga bulaklak. Isa iyong bouquet ng red carnation, ang paborito nyang bulaklak. Kinuha nya ang card na nakalagay doon at inalam kung kanino galing ang mga bulaklak.

Happy birthday Calista!
Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil binigyan kami ng isang napakabuting anak. Mahal na mahal ka namin ng tatay mo. Miss na miss ka na din namin.
Nagmamahal, Nanay and Tatay

Naluha sya ng bahagya nang dahil dun.

Ang nanay at tatay nya talaga, palagi syang pinapaiyak sa araw ng kanyang kaarawan. Palagi sya nitong pinapadalhan ng bulaklak simula ng humiwalay sya sa mga ito.

"Thank you Nikka, balik na ako sa unit" pagpapaalam ni Cali sa receptionist.

"Okay po Miss Cali. See you later" sagot naman nito.

Akmang maglalakad na sana sya papunta sa elevator lobby ng makita nya ang isang kahon sa back table sa reception area. Na-curious sya kung para kanino ito.

One Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon