TULAD Ng sabi ni Lean, nagpunta si Cali sa unit nito. Napapangiti sya dahil ipinagkatiwala ng kasintahan sa kanya ang unit at binigyan pa sya ng spare key. He really trust me that much.
Pagkapasok ng unit, nakita ni Cali ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Nakatakip lang ang mga ito. Mukhang alam na alam ni Lean na hindi nya tatanggihan ang almusal na ginawa para sa kanya.
Umupo sya sa dining area at kinain ang mga pagkain. Matapos nun, hinugasan na din nya ang mga pinggan.
Lumibot si Cali sa unit ng kasintahan. Matagal na syang pumupunta doon pero hindi nya iyon nalilibot dahil kasama nya si Lean noon. Kaya naman, pagkakataon na nya ngayon.
Inuna nyang puntahan ang banyo. Sa araw-araw kasi na pagpunta nya sa unit ng kasintahan, never syang nakigamit ng banyo nito, kaya naman inuna nya iyon na pasukin. The bathroom is okay. The same size as hers, same fixtures, same tiles, all in all same design. Yun kasi ang disenyo ng lahat ng banyo sa lahat ng unit na iyon. Pwede naman iyon baguhin ng mga may ari ng unit, but Cali didn't bother changing hers. Masyadong magastos. At ganoon din ang pananaw ng kasintahan.
Isa lang ang pagkakaiba ng kanilang banyo, and that is, there is another door. Maybe it is attached to a secret room?
Sinubukan nyang buksan iyon pero nakasara, kaya naman lumipat sya ng bedroom ng kasintahan at binuksan ang walk-in closet nito. And that is when she finally realize that the door in the bathroom is connected to Lean's walk-in closet and connected to bedroom. Magaling, magaling. Cali praises the designer of Lean's Condo, whoever she or he might be.
Matapos malaman kung ano ang silbi ng isa pang pinto sa banyo, ang sunod na sinuri ni Cali ay ang walk-in closet ng binata. Hindi naman masyadong malaki iyon, but still mas malaki pa din kesa sa kanya dahil cabinet lang ang kanya at hindi walk-in closet. Binuksan nya ang mga cabinet doon, nakita nya ang mga damit ng kasintahan. Napaka-raming suit, at shoes. But something is not quite right.
Madami man ang mga nakikitang damit at sapatos, but she feels like hindi lang iyon ang gamit ng kasintahan. Maybe nasa bahay nila sa Antipolo?
Napa-kibit balikat nalang sya. That's it! Itinigil na nya ang pangengeelam sa gamit ng kasintahan. Baka mamaya makita pa nya kung saan nakalagay ang boxers nito kahit na gustong-gusto nya iyon makita.
Nahiga na lang si Cali sa sofa, she's bored. Kaya habang nakatunganga sa kisame, hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya.
Alas-nueve y media na sya nagising.
Tumayo sya at nag-inat-inat. Pupunta sana sya ng balkonahe, ngunit may naramdaman syang kakaiba. Hindi nya binuksan ang sliding door ng balkonahe, sa halip sumilip sya ng kaunti sa kurtina. Tinitignan nya ang balkonahe ng sarili nyang unit dahil tanaw ito mula sa unit ng kasintahan.
Laking gulat nya ng makitang may lalaking lumabas mula sa unit nya papunta sa balkonahe. At hindi lang iyon ang ikinagulat nya dahil kilala nya ang lalaking ito. Nakilala nya ito kahapon. It was Robert Angeles! Ang nagpakilala na kliyente sa kanila nina Eri kahapon.
Kaagad na chineck ni Cali kung naka-lock ang sliding door. At nang masiguro iyon, nanginginig na kinuha nya ang cellphone na nakapatong sa center table.
Sa sobrang takot, naiiyak na sya. Ito ang unang pagkakataon na natakot sya ng ganun at hindi nya alam ang gagawin. Isa lang ang naiisip nya at tawagan ang kasintahan.
After 2 rings, he picked up.
"Hello Cali?" He asked.
"L-lean" nanginginig ang boses nya habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
Roman d'amour"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...