Chapter 18

14 2 0
                                    

HINDI inaasahan ni Cali ang pag-amin na yun ni Lean. Hindi man inaasahan, pero hindi na sya nagulat. Mayroon na kasi syang 70% hint na si Lean nga ang CEO ng Casa Amelia at Casa Lit.

Bago sumagot, naghiwa muna si Cali ng Baked Honey Garlic Salmon at inilapit ang tinidor kay Lean. Gusto nya itong subuan.

"Here, tikman mo. Masarap 'to. Parang ako lang kasi ang kumakain nitong salmon"

Kinain naman iyon ni Lean. Tatanggi pa ba sya? E yun ang unang pagkakataon na sinubuan sya ni Cali. Baka hindi na yun maulit pa.

"Hindi ka naniniwala sa akin no?"

Kumagat muna si Cali sa clubhouse bago sinagot ang binata. "I believe you. Your car worth 7 million I guess, at kung installment nga yun, you need a job to pay for it 100,000 monthly. And I think, CEO is one of the best option"

Humiwa ulit si Cali ng salmon.

"Galit ka —" magtatanong sana si Lean pero sinubuan uli sya ni Cali ng salmon.

"You think too much. Bakit naman ako magagalit, hindi naman illegal ang trabaho mo. Tsaka, I already know it ... sort of"

"Alam mo na?"

"70% guess. Nung pumunta pa lang kami sa One DC nun, palaisipan na sakin kung ano meaning nung DC. Then nagtaka ako bakit hindi ang CEO ang nakipag-meet samin samantalang napaka-importante ng pirmahan ng kontrata. Tapos nagkakuwentuhan kami ni Jen before pirmahan, nasabi nga nya na 27 years old ang CEO. And then, nung nasa Bohol tayo. Jen called me and said na baka daw ma-meet ko yung CEO dahil na-stranded din daw sa Bohol. But no CEO appeared while I'm in Bohol. So naisip ko, the CEO knows kung ano kalagayan ko sa Bohol. And I thought that it was you." Pagpapaliwanag ni Cali. "Tapos nung nasa Reunion, Lea asked for your age. At doon na-confirmed ko na baka nga ikaw ang CEO. Tsaka na-confirmed ko din sa sarili ko na DC stands for De Castro"

"Hindi ka galit?" Nag-aalalang tanong ni Lean.

"Why would I?"

"I gave you the Casa Lit Projects. I am thinking na kapag nalaman mo yun magagalit ka kasi nangengeelam ako sa buhay mo" Lean answered.

"Lean, hindi ako magagalit sa'yo. Casa Lit is a really big project at yun ang kailangan namin ni Eri sa panahon ngayon. Yes you chose us, but it is also stated in the contract that we need your approval for our design. You are a businessman, and I don't think you will approved it based on our relationship. You will approved it based on our work and on the outcome" paliwanag ni Cali. Nalinawan naman si Lean ng dahil dun. He is lucky to fell in love with a woman na ganoon ang perspective sa buhay. Napatango-tango nalang ang binata ng dahil dun.

"Well, There is one thing that I also want to know" sumeryoso ang tono ng boses ni Cali. "What is that unexpected thing happened between you and your detective friend?"

Lean hesitated to answer at ramdam ni Cali yun.

"It's okay if you can't answer that" ani Cali. She is a little disappointed. Akala nya special  na sya kay Lean. But she guess not.

Lean sighed. "I was a detective"

Napakurap-kurap si Cali at ipinagpatuloy ni Lean ang pagkukwento. "... there is an incident that I decided to give up on being a detective. Levi kept on asking me to come back, but I can't. Kaya naman tinaguan ko sya, tinaguan ko ang lahat. After one year na pagtatago, there's one thing na nakapag-realize sa akin na hindi pa tapos ang buhay after that incident. Kaya naman, inayos ko ang sarili ko. Nagpakita ako kay Levi. And then I took over in managing Casa Amelia. I also made a restaurant on my own"

"Casa Lit" si Cali ang tumapos ng kwento ni Lean.

Tumango-tango si Lean. "Yeah"


🌸
KAKAUWI lang ni Lean nang sandaling iyon. Galing kasi sya sa trabaho, at nang mai-park ang sasakyan sa parking lot, lumabas muna sya sandali at pumunta sa pinakamalapit na convenience store upang bumili ng sterilized milk. Yun lang sana ang bibilhin nya, kaya lang naalala nya si Cali kaya bumili na din sya ng chocolate. Hershey's na cookie's and cream at dark chocolate. Bumili din sya ng kitkat na dark chocolate.

One Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon