Chapter 7

20 4 0
                                    

"WHAT HAPPENED?" Nag-aalalang tanong ni Lean ng makarating sya sa labas ng clinic sa building kung nasaan ang office nina Cali. Nakita nya si Eri na nakaupo sa labas nun kaya agad-agad nya itong nilapitan.

Nginitian naman sya ni Eri at sinenyasan sya na sundan ito papasok ng clinic. Pagpasok doon, nakita na si Cali na nakahiga sa clinic bed at ang putla ng itsura nito.

"Stress and Fatigue daw sabi ng doctor. Chineck din yung temperature nya kanina, 39 degrees" paliwanag ni Eri.

Lumapit naman si Lean kay Cali at hinawakan ito sa pisngi. Mainit nga ang dalaga.

"May project kasi kami na trinatrabaho simula pa 3 weeks ago. Ang alam kong araw-araw nyang pinagpupuyatan yun, at nararamdaman ko din na hindi sya masyadong kumakain"

"Nangyari na ba ito sa kanya dati?" Tanong ni Lean at umupo sya sa gilid ng clinic bed.

"Hindi pa. Eto yung first time na nag-collapse sya. Na-stress kasi sya ng malaman na yung pinaghirapan namin project ay inagaw ng Marquez Design and Build"

"Marquez?" Nagsalubong ang dalawang kilay ni Lean.

"Oo Marquez. Yun ang architectural firm na pag-aari ng pamilya ni Ryan, ex ni Cali. Hindi namin malaman ni Cali kung bakit ginawa yun ni Ryan, pero sa tingin ko gumaganti sya"

What the fuck?! Napaka-gago talaga ng lalaking yun! Hindi pa sya nakuntento sa panloloko kay Cali. Galit na ani Lean sa sarili. Gustong-gusto na nyang sugurin ang Ryan na yun but that is not important as of the moment. Ang mas mahalaga ay ang kalagayan ni Cali. Kailangan nyang maiuwi ito para maalagaan.

"Sige, iuwi ko nalang muna sya" kalmadong nyang ani kay Eri.

"Sige, ako na muna bahala sa office" sagot naman ni Eri sa kanya. Sa totoo lang, hindi alam ni Eri kung bakit si Lean ang tinawagan nya kanina. But Eri is a good judge of character, alam nya kapag matino o gago ang isang tao. First meeting palang noon, alam na nyang Lean De Castro is a very good person. Bukod pa dun, nakukwento na din ito ni Cali wayback before. That she has a handsome neighbor, snob and a gentleman. And that is enough for her to trust him.

Binuhat ni Lean si Cali papunta sa kanyang sasakyan at nakasunod lang si Eri sa kanila. Dala kasi nito ang bag ni Cali. Nang makarating sila sa drop-off, si Eri ang nagbukas ng passenger seat's door ng sasakyan ni Lean. Dahan-dahan namang isinakay ng binata si Cali.

"Thank you" pasasalamat ni Lean sa tulong ni Eri.

"No. Ako ang dapat magpasalamat. Thank you and take good care of my best friend" nakangiting sagot ni Eri.

Ngiti na lang din ang naging tugon ni Lean. Matapos nun, sumakay na sya sa driver's seat at minaneho ang sasakyan.


🌸
LEAN is carrying Cali on his arms. Her scent is very nice. Who would have thought na dadating ang araw na ito? Ang magiging close nya ang kapitbahay. Noon, nahihirapan syang i-approach si Cali. Dahil bukod sa napaka-friendly nito na total opposite nya, she has a boyfriend. Hindi naman sa liligawan nya si Cali noon or what, hindi lang tama na makipag-kaibigan sya dito noon dahil nga may kasintahan ito. But now is different. In the past few weeks, hindi nya alam kung anong nangyari o kung dahil ba wala na itong boyfriend ngunit nadalian na syang i-approach ang dalaga. He can easily now text her na kung gusto nito ay sabay silang mag-lunch o kaya naman dinner. And this change is making him really happy. Cali is a very good person at ang saya nitong maging kaibigan.

Pangko-pangko pa din nya ang dalaga ng pumasok sila ng elevator lobby. Nanlaki ang mata ng gwardya kanina ng makita syang may buhat na babae. Nginitian lang nya ang gwardya kanina at nagpatuloy sa paglalakad. Ngayon nga, nasa elevator lobby na sila at nang bumukas ang pinto, pumasok na sya doon.

One Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon