Chapter 28

7 3 0
                                    

NAKAHIGA si Cali sa sofa at nakataas ang paa sa pader. Ayaw man nya gawin ito but she has to. Her period just visited and her lower abdomen and back hurts like hell. Hindi man proven na nakakawala ng sakit ang pagtaas ng paa, but for her this really lessen the pain. Dang. Gustong-gusto na sana nya mag-swimming kagabi but unfortunately this happen.

"Good morning, what are you doing?" Tanong ni Lean ng makita ang kasintahan sa living room. Napakunot ang noo nya ng makita ang position ni Cali. "Is that your way of exercising?"

"No. I'm just doing this because my lower abdomen hurts so bad" sagot ni Cali at hindi nya iminulat ang mga mata.

Si Lean naman nag-alala "Why is that?"

"Dysmenorrhea" deretsahang sagot ni Cali. Walang pag-aalinlangan. She's already 25 at hindi na sya nahihiya na sabihin yun sa iba. Telling the truth is much better kesa naman magtaka ang iba sa mood swings nya kapag mayroon syang dalaw.

"Oh" matipid ang naging tugon ni Lean. Wala na syang ibang maisagot dahil hindi naman nya alam kung ano ang nararamdaman ni Cali.

"Yeah. Sorry ha, mas maaga ako nagising pero hindi ako nakapagluto ng almusal. Sobrang sakit kasi ng puson ko at ang hirap talaga kumilos" aniya. Ala-cinco kasi sya nagising. Naligo na sya agad nun para makapagpalit na rin ng napkin.

"It's okay. I'll do it. May kailangan ka ba? Gamot o kaya gustong kainin para mawala yang sakit?"

Umiling-iling si Cali. "Okay lang ako, hindi ko iniinuman ng gamot 'to. Baka kasi masanay ako. I'll be fine. Baka bukas o sa susunod na araw wala na 'to"

"Okay sige, pahinga ka na dyan. Magluluto lang ako ng almusal"


🌸
AFTER 30 minutes, tinawag ni Lean ang kasintahan. Breakfast is ready, kaya naman kahit ayaw tumayo ni Cali, tumungo padin sya sa hapagkainan. Ensaladang dahon na hindi alam ni Cali kung anong dahon o gulay iyon, pritong itlog at fried rice ang kanilang agahan. Wala na sa mood ang dalaga na tanungin ang kasintahan kung ano yung dahon na nakikita, basta umupo na lang sya.

"Here, drink this" ani Lean at inilapag sa lamesa ang tasa na may lamang ... yeah ginger tea. Hindi na nagulat si Cali.

Ibubuka sana nya ang bibig para magpasalamat, ngunit inunahan sya ni Lean. "— I know you hate that but I've searched the internet for the foods that can lessen the pain for dysmenorrhea. And ginger tea came out of the result" sagot ni Lean. "...And also, leafy vegetables and eggs are one of the results too"

What a caring boyfriend. Talagang nag-searched si Lean ng mga pagkaing para sa nararamdaman ni Cali.

"Well, I don't hate ginger tea anymore, I don't like it either. Basta after nung reunion, I forced myself everyday to drink a cup of it. Para naman sa susunod na ipagtimpla mo ako, hindi ko na itapon. But for some instances, hindi ka na nagtimpla ng ganito para sa akin" She sipped into the ginger tea. As expected, it doesn't taste so good pero kaya na nyang i-tolerate ang lasa nun.

"You hated it kaya hindi na ako nagtimpla para sayo. Ayaw ko naman ipilit sa'yo yun, lalo na nung naging tayo na" sagot ng kasintahan pero hindi na nya napansin iyon dahil nagsimula na syang kumain.



🌸
AFTER breakfast medyo gumaan nga ang pakiramdam ni Cali. Hindi nya alam kung dahil ba yun sa salabat o sa mga pagkaing kinain. Basta nawala ang sakit ng puson nya ng kaunti. Pero nang matapos sila mananghalian bumalik na naman. At hindi na nya alam kung anong pwesto ang gagawin mawala lang iyon.

Umupo sya sa sahig sa sala at nakatungo ang ulo sa center table. Inuunan nya ang kaliwang kamay samantalang ang kanan at minamasahe ang tiyan.

"Do you want something to eat or drink?" nag-aalalang tanong ni Lean kay Cali nang lumapit sya sa kinaroroonan ng dalaga. Sobra kasing nag-aalala ang binata para sa kalagayan ng kasintahan. Hindi nya man alam kung gaano kasakit iyon, but seeing her is enough para malaman na sobrang nasasaktan nga si Cali.

One Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon