Chapter 12

15 3 0
                                    

ISANG LINGGO na ang nakalipas simula ng makauwi si Lean at Cali ng Maynila. Isang linggo na ding hindi sila nagkikita. Simula kasi ng umuwi sila, palagi ng busy si Lean sa trabaho. Alam ni Cali na maaga itong umaalis sa umaga at late na din umuuwi sa gabi. Madalas kasi syang nagpupuyat para sa project ng Casa Lit at nararamdaman nya ang pag-alis at pagdating ni Lean na nasa kabilang unit lamang.

Hindi naman na nya ito ginugulo sa tuwing uuwi ito. Baka kasi dahil sa pagpunta nito sa Bohol kaya natambakan ito ng maraming trabaho.

Naiintindihan naman nya lahat ng iyon, pero miss na miss na kasi nya si Lean kahit na wala naman syang karapatan dahil hindi naman sya girlfriend at neighbor friend lamang sya nito.

"Miss Cali, eto na po yung mga materials na pinahanap nyo sa akin" ani Joan dahilan upang masira ang kanyang pag-e-emote. Iniabot ng secretarya sa kanya ang isang folder at inilapag nya iyon sa lamesa.

"Thank you Joan" bumalik naman ito sa kanyang area.

"Cali, tapos ko na yung site inspection report sa Harrods Malls. Gusto mong makita?" Lumingon sa kanya si Eri. Ngunit tulala sya at hindi narinig ang sinabi ng kaibigan.

"Cali!" Pagkuha nito sa kanyang atensyon.

"Ha? May sinasabi ka?" tanong ni Cali.

"Ano ba nangyayari sa'yo? Ilang araw ka ng tulala? Masama ba pakiramdam mo? O may nangyaring hindi maganda sa Bohol?" Nag-aalalang tanong ni Eri.

No Eri, nothing happened. I just fell in love sagot ng isip ni Cali pero hindi naman nya kayang sabihin iyon ng deretsahan kay Eri. "Okay lang ako, madami lang akong iniisip. Wag nyo na akong alalahanin"

"Okay sige, If you say so. Send ko nalang sa email mo yung Site Inspection Report ng Harrods Mall para ma-review mo"

"Okay sige, send ko din yung sa Bohol kapag natapos ko na"

Tumango-tango si Eri at bumalik sa pag-t-trabaho.

Ala-sais ng hapon. Uwian na nila. Hindi pa din mapakali si Cali kaya naman niyaya nya ang mga kaibigan na kumain muna sila sa labas.

"Girls, gusto nyo bang kumain muna sa labas?"

"Go ako dyan Miss Cali!" Hindi man lang nagdalawang isip si Joan.

"Sure. Pero anong meron?" Nakaramdam naman agad si Eri.

"May sasabihin kasi ako sa inyo" ani Cali. Hindi nya alam kung tama ba ang naiisip nya na sasabihin nya sa mga ito na in love na sya kay Lean. Pero yun ang naiisip nyang paraan para hindi na sya mabagabag.


🌸
"I'M IN LOVE" pag-amin ni Cali sa mga kaibigan. Sila ay kasalukuyang nasa isang KTV Room dahil doon nya niyaya ang mga ito. Gusto kasi nya na walang ibang makakarinig sa kanila lalo na napaka-exaggerated ng mga kaibigan nyang yun.

"What?!" Sabay na sabay ang reaksyon ng dalawa. Exaggerated nga.

"Yun nga, I'm in love. It was unexpected but I knew that I really am. At lahat ng iyon na-realize ko nung nasa Bohol ako"

"What the fuck? You fell in love sa isang taong nakilala mo sa Bohol?" Malutong na napamura sa Eri.

"Why Miss Cali? Why? Paano na si Pogi Number 1?" Nag-iinarte naman si Joan na akala mo umiiyak talaga.

"Ha? Hindi taga-Bohol ang tinutukoy ko. Tsaka, yes you're right. It's Lean. I'm in love with him" wala ng paligoy ligoy pa. Kailangan na nyang masabi yun sa mga kaibigan nya para gumaan ang pakiramdam nya.

Dahil din naman sa sinabi nyang iyon, napanatag din ang dalawa.

"Oh" Eri sighed. "Pero paano mo naman nasabi na in love ka sa kanya? Nasa Bohol ka nandito naman sya sa Maynila, ano yun basta mo nalang naramdaman?"

One Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon