"GOOD MORNING Sir De Castro, I just want to inform you that A+E Design already accepted our proposal" paliwanag ni Jen kay Lean na nasa kabilang linya. Wala kasi sya sa opisina ngayon dahil napagdesisyunan nya na sa Casa Lit muna pumunta upang ma-check kung ano ang kalagayan ng restaurant na iyon. At dahil nga nandoon sya, itinawag nalang ng kanyang secretarya ang magandang balita.
"That's good. Kindly ask the legal team to prepare the necessary documents at papirmahan na nila ang kontrata sa A+E as soon as possible" ani naman ni Lean habang sya ay nakatayo sa tapat ng pinto ng kanyang office na malapit sa kusina.
"Noted sir, I'll update you"
"Thank you Jen"
Nang maibaba ni Lean ang tawag, napatingin sya sa entrance door ng Casa Lit dahil narinig nya na maingay ang mga customer na pumasok. Nanlaki ang mata nya ng makita na sina Cali, Eri at Joan pala iyon. Kaya naman dali-dali syang pumasok ng opisina.
Shit! Anong ginagawa nila dito? Nagulat si Lean pero medyo inasahan na nya ang pagdating ng mga ito. Pero ang hindi nya inasahan na pupunta ang mga ito ng nandun sya.
Nag-isip sya ng paraan.
Kaagad nyang kinausap ang mga empleyado gamit ang isang microphone na nasa lamesa nya. Ang microphone na iyon ay may iba't-ibang button. Ang pula ay nakadirekta para sa security, asul sa kitchen staffs, green sa counter, yellow sa waiter and waitresses at itim para sa lahat ng empleyado. Ang lahat ng sasabihin nya sa mikroponong iyon ay maririnig ng mga empleyado sa mga nakakabit na earphones sa kaliwa nilang tainga. Isa iyon sa mga rules and regulations nya sa lahat ng restaurant na pag-aari nya para mas madaling makausap ang mga empleyado ng hindi sya lumalabas ng opisina.
At yun nga, pinindot nya ang itim na button at nadirekta ito sa lahat ng empleyado.
"Good morning everyone, this is the CEO. I just want to remind you that if anyone ask who is the owner of Casa Lit or Casa Amelia, don't give any information about me, my name or either my age. If you get that, do the 'happy hour greeting" ani Lean at ginawa nga ng lahat ng empleyado ang happy hour greeting. Kung saan papalakpak sila ng tatlong beses ng sabay-sabay at isisigaw ang 'Happy Hour'.
"Happy Hour"
Narinig ni Lean ang sagot ng mga empleyado kaya alam nyang naintindihan sya ng mga ito.
"Thank you everyone. And also, I have a visitors outside. I will meet them, so all of you need to treat me as a customer and not as your boss. If you get that, do the 'happy hour greeting' again" utos uli ni Lean sa mga empleyado. At narinig nya uli ang sagot ng mga ito.
"Thank you everyone. Have a nice day"
Hindi pa man nakakalabas ng opisina, biglang umilaw ang red button. Pinindot nya iyon upang marinig ang sasabihin ng taga-security.
"Yes security?" Tanong nya.
"Sir this is Gabriel, posting at customer's main entrance. I just want to inform you that Detective Soriano has entered the premises" paliwanag ng gwardya.
"Okay thank you Gabriel" pasasalamat nya.
Tsk. Nandito na naman si Levi. Pero bakit nandito sya? Inisip mabuti ni Lean kung bakit nandoon ang kaibigan. Naalala nya na may pinapagawa pala sya dito.
Shit. Alam din nya at ramdam din nya na lalapitan ni Levi sina Cali. Si Levi kasi ang tipo ng tao na kapag nakakita ng maganda, e nilalapitan nya ito at nagpapakilala.
Maganda si Cali, maganda din si Eri. Kaya siguradong sigurado sya na lalapitan nya ang mga ito.
Agad-agad syang tumingin sa monitor kung saan makikita lang ng makukuha ng cctv cameras. Hindi nga sya nagkamali, nilapitan nga ng gagong detective sina Cali.
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
Romance"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...