NAGISING si Cali ng tumunog ang kanyang cellphone. Nakatulog kasi sya pagkabalik nya ng unit nya kanina. At yun nga nagising sya ng may tumawag sa kanya.
"Hello?" Tanong nya. Hindi pa maayos ang pagsasalita nya dahil kakagising nga lang nya.
"Natulog ka ulit? Alam mo ba na mas sasakit ang ulo mo kapag natulog ka ng natulog?" Ani ng boses na nasa telepono.
Nagtaka naman sya kung sino ang kausap, kaya tinignan nya ang screen ng phone. Unregistered number iyon.
"Neighbor 1004?" Hinulaan nya kung sino iyon.
"Oo! Get up! Sabi ko sa'yo samahan mo ako sa pupuntahan ko. Let's meet at the nearest Seattle's Best Coffee at 16 o'clock" ani Lean at ibinaba na kaagad ang tawag.
Nagtaka naman si Cali.
16 o'clock? Military time?Binilang nya kung ano ang 16:00, at nalaman na alas-cuatro pala iyon ng hapon. Napatingin sya sa wall clock na kasabit sa pader sa kanyang kwarto. Alas-dos pa lamang ng hapon at mayroon pang dalawang oras para sya ay mag-ayos.
"Istorbo naman ng tulog yung taong yun! 15 minutes lang naman ang kailangan ko para marating ang Seattle's Best, pwede naman nya ako tawagan ng alas-tres! Bwisit talaga!"
Dahil gising na gising na ang diwa nya, bumangon na sya mula sa kama at naligo. Matapos nun, nagbihis na din sya kaagad.
She wore a plain blue regular fit denim pants and white long sleeve with floral pattern. And then matches it with white sneakers.
Tumingin sya sa isang full length body mirror upang tignan ang kanyang outfit. Bumagay naman ang mga ito sa isa't-isa. Matapos nun, sinuklay na nya ang kanyang buhok at hinayaan lang ito na nakalugay.
Hindi nya masyadong pinaghandaan ang ayos dahil hindi naman importanteng tao ang kanyang kikitain. It's just my neighbor.
After that, she took her gray sling bag and departed.
🌸
15:15 NANG sya ay makarating sa Seattle's Best Coffee. Sinadya nyang dumating doon ng mas maaga dahil hindi pa sya na nananghalian at natatakot syang baka hanggang lalamunan lang ang kakainin nila ni Lean mamaya.Pagpasok doon, dumeretso na sya agad sa counter at umorder.
"One order of Ham and Cheese Panini, one order of Spam and Eggs Toasties and one order of Capuccino, yung smallest size lang"
Matapos maka-order, umupo si Cali sa isang pwesto na malapit sa bintana. Yun kasi ang gusto nyang palaging pinupwestuhan sa mga restaurant na pupuntahan. Kundi sa second floor na kita ang ground floor, pupwesto sya sa tabi ng bintana.
Makalipas lamang ang ilang minuto, dinala na ng waiter sa kanya ang mga inorder.
"Enjoy your meal Ma'am"
At nagsimula na nga syang kumain.
15:40 ng matapos syang kumain. Pinakuha na nya sa waiter ang mga plato na kinainan nya para malinis ang lamesa sa oras na dumating si Lean.
Habang naghihintay, napatingin sya sa entrance door ng marinig nyang tumunog ang bell na nakasabit doon. Baka si Lean na ang dumating.
Ngunit nagkamali pala sya, isang tao ang hindi niya inaashang makita.
Hindi nya gugustuhing makita.
It was Ryan, her boyfriend, together with a woman. Yun din ang babaeng kasama ng boyfriend kahapon.
The devil and his mistress.
"Cali? What are you doing here?" Hindi rin inaasahan ni Ryan na makikita ang girlfriend doon.
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
Romance"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...