KASALUKUYANG papunta sina Eri at Cali ng One DC Building upang pumirma ng kontrata. Ang One DC Building ay ang head office ng Casa Amelia at Casa Lit. Ang building na iyon ay malapit lamang sa kanilang opisina at hindi nila alam na yun pala ang head office ng Casa Amelia at Casa Lit.
Pagpasok na pagpasok nila, manghang-mangha sila sa napagandang disenyo. Ang main lobby na iyon ay mataas ang kisame, at ang sahig ay gawa sa totoong marmol. Alam nilang totoo yun dahil isa silang arkitekto.
Ngunit bago pa man mapanga-nga, pumunta na agad sila sa information desk.
"Excuse me, we're the architects from A+E Designs. We have an appointment meeting with Jen Francisco" ani Eri.
"Oh you're the architects" ani ng babae sa reception area. Para bang alam na nito na sila ay dadating. "Secretary Jen already informed us na dadating nga po kayo. Wait lang po Ma'am at ipapa-assist po namin kayo papasok"
Ngumiti ang receptionist at may tinawagan ito sa telepono. Maya-maya pa'y dumating na ang taong mag-aassist sa kanila.
"Good morning Architects, I am Gil Martinez, the head security. I will be the one to assist you to the CEO's office" magalang na ani ng lalaking mala-bouncer ang katawan.
Pero wala silang pakielam sa katawan nito dahil ang kinababahala nila, bakit head security talaga ang mag-aassist sa kanila? Parang napaka-special naman nila.
Ngunit wala naman silang magagawa. Kaya tahimik nilang sinundan ang gwardya. Naglakad sila papunta sa elevator lobby, ngunit bago makapasok doon, dadaan muna sila sa isang turnstile.
Ang turnstile na iyon ay hindi tulad ng ibang turnstile, sapagkat imbes na isang umiikot steel ang dadaanan nila sa pagpasok, isang glass door ang automatikong magbubukas kapag tinap ng isang empleyado ang I.D. sa bukana nito. At dahil isa nga silang special visitor, hindi na nila kakailanganin ng employee's ID dahil ang head security na ang magsisilbing susi sa lahat ng pagdadaanan nila.
Nang makarating na sa elevator lobby, napansin nila na sinesenyasan ng head security ang ibang empleyado na huwag sasabay sa kanila sa loob ng elevator. Parang ang OA naman na yata ng treatment ng buong kumpanya na ito.
At yun nga, wala silang nakasabay sa elevator. Pagbukas ng pinto sa pinakataas na floor — 51st floor, lumabas na sila at patuloy pa din sa pagsunod sa gwardya.
Maya-maya pa'y nakarating na sila sa tapat ng isang opisina. Glass wall ito kaya naman natanaw na nila kaagad si Jen Francisco na nakaupo sa reception area ng office na iyon. Sinalubong sila nito.
"Hi Architects, welcome" masayang bati ni Jen at lumingon sa gwardya. "You can go now Martinez and thank you"
"Grabe nakaka-tense pala dito sa building nyo" hindi na napigilan ni Eri ang kanina pa nya gustong sabihin. Natawa naman si Jen nang dahil dun.
"Actually ako din na-tense nung nag-apply pa lang ako. Pero nung natanggap na ako dito, naging komportable ako kaagad kasi bukod sa mababait ang empleyado, napakabait pa ni CEO" pagkukwento naman ni Jen na para bang close na close na silang tatlo.
Pumasok sila sa conference room at pinaupo muna sila ni Jen. "Upo muna kayo, hintayin lang natin si Attorney Gonzales para sa mga kontrata. Papunta na yun"
"E yung CEO? Hindi ba sya kasama sa pirmahan?" Nagtataka si Eri, gustong-gusto na kasi nila ni Cali na makita ang CEO.
"Sorry, the CEO is very busy. Mayroon kasi syang inaasikaso sa Casa Amelia kaya hindi sya makakapunta. Rest assured, ma-mi-meet nyo din sya soon" anito.
"Siguro sobrang busy ng CEO no? Sobrang sikat kasi ng Casa Amelia, tapos ngayon eto namang Casa Lit" si Cali naman na ang nagsalita.
"Oo sobrang busy talaga nun. Ni hindi ko nga nakita o narinig mula sa kanya na makikipag-date sya or what. Siguro dahil private syang tao. Pero nafi-feel ko wala syang girlfriend kaya pag pinagpatuloy nya yung pagiging busy sa trabaho, baka tumanda syang binata" nakipagdaldalan na nga ang sekretarya.
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
Romance"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...