KARAOKE TIME. Nagtipon-tipon ang lahat sa beach area. Mayroong malaking TV doon at speaker. Bukod pa dun, mayroon ding isang malaking lamesa kung nasaan nakalagay ang mga inumin at pagkain.
Nakaupo silang lahat sa isang rubber mat na nakalatag sa buhanginan at pinabunot ni Lea ang lahat ng magkakapartner, syempre kasama sila dun ng kanyang asawa. Hindi kasi sila sumali sa mga games kanina dahil si Lea ang host, at nanunuod lang ang asawa nya. Kaya naman ito na ang pagkakataon para makisali sa labanan ng pagkanta.
Unang kumanta ay sina Jake at Kyla. Habang ginagawa iyon, nakikinig ang iba at ang iba naman ay umiinom at kumakain ng pulutan.
"Anong gusto mong inumin?" Tanong ni Lean sa katabing si Cali. Naka-indian seat ang binata samantalang si Cali nakaupo na hawak ang mga binti.
"Tubig nalang siguro" sagot ni Cali. Ayaw kasi nyang uminom dahil ang dami nyang kinain nung hapunan kanina.
"Ayaw mo ng beer?" Follow-up question ni Lean, umiling-iling naman ang dalaga. Matapos nun, tumayo si Lean at pumunta sa long table na nasa gilid. Kumuha sya ng isang bote ng beer at isang bote ng tubig. Ibinigay nya ang tubig kay Cali, at sya naman ang iinom ng beer.
"Mahina ba tolerance mo sa alak?" Tanong ni Cali kay Lean ng makabalik na ito sa tabi nya.
"Hindi naman, bakit?" ani Lean sabay inom sa beer.
"Wala lang, kasi nung nag-ktv tayo nun nila Eri, parang isa o dalawang beer lang ininom mo. Tapos ngayon, isa lang kinuha mo. Kaya naisip ko baka mababa tolerance mo sa beer"
Napangiti si Lean. "Syempre konti lang talaga iinumin ko nun, pagkakita ko kasi sa inyo tatlo, ginawa nyong tubig yung alak. Kung iinom ako ng marami, sinong maghahatid sa inyo?"
"Sabi ko nga" Napangiti si Cali. Naalala kasi nya na lugmok nga silang tatlo sa alak nung araw na iyon. At si Lean ang naghatid sa kani-kanilang bahay. At kahit na lasing na lasing sya, Lean never took advantage on her. Isa na din yun sa dahilan kung bakit na-inlove sya sa binata.
Habang busy sa pagkanta ang mga kasama, patuloy lamang sila sa pagkukwentuhan.
"Nga pala, napapaisip ako. Gaano ka na katagal sa condo mo nung lumipat ako sa tabi mo?" tanong ni Cali. Sa tinagal-tagal kasi nilang magkapitbahay, at sa pagiging magkaibigan nila ng mahigit dalawang buwan. Marami pa syang hindi alam tungkol sa binata. At dahil nga mahal nya ito, parang gusto nyang unti-unting malaman ang tungkol sa taong katabi ngayon.
"Nung lumipat ka, mga isang taon na ako dun"
"Oh? Bago-bago ka lang din pala dun. Akala ko sobrang tagal mo na dun e"
"Yup, sa ibang condo kasi ako nakatira dati. Pero may mga hindi inaasahang pangyayari kaya ako lumipat sa Edelweiss"
Napakunot ang noo ni Cali. "Hindi inaasahan?"
Tumango-tango si Lean. Cali is really curious about him pero hindi naman nya masagot lahat ng tanong nito. What happened in the past, kinalimutan na nya yun. Ayaw na nya sana iyon balikan, but now, Cali is asking about it. He needs to answer it kahit hindi masyadong detalyado. Huwag lang malungkot ang dalaga. "May pinag-awayan kasi kami ni Levi. Kaya lumipat ako ng ibang condo. Pero dahil nga detective yung lokong yun, nahanap din nya ako after 1 year"
Pinag-awayan? Napaisip si Cali. Hindi pa kasi nya nakikita na magalit si Lean. Kung mag-best friends sila at nag-away sila. Sigurado akong hindi lang iyon basta away. Bakit naman sya lilipat ng bahay kung simpleng away lang iyon? Bakit sya magtatago? That thing must be important for the both of them. Or that might be a person —
Natigilan si Cali. Iniisip nya na ang pwedeng pag-awayan ng dalawa ang isang babae. It might be that the two of them fall in love with the same person.
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
Romance"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...