NATIGILAN si Cali, hindi nya alam kung tama ba ang narinig o nag-illusion lang sya. Cali, I love you. Itinaas nya ang tingin kay Lean. Nakatitig ito sa kanya.
"I love you Cali" pag-uulit ni Lean. Hindi alam ng binata kung ano ang pumasok sa isipan nya at ginawa iyon. Isa lang ang nasisiguro nya, he loves Cali at matagal na nyang gustong sabihin iyon kay Cali. Ngayon lang sya nagkaroon ng pagkakataon.
Pumatak ang luha na kanina pa pinipigilan ni Cali. Tears of Joy. Nag-alala naman si Lean nang dahil dun.
"Hey, I didn't say it for you to cry. Alam ko nabigla ka, at hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Hindi ako hihingi ng sagot. I just want you to know" ani Lean. Lumapit ito kay Cali at pinupunasan ang luha ng dalaga. "I'm sorry"
"D-don't be sorry. I'm glad that you love me too" ani Cali at patuloy pa din sya sa pag-iyak.
"Too?" Napakurap-kurap si Lean. Tama ba ang narinig ko? Cali loves me too? Hindi nya alam kung tama ba ang narinig. There's one way to find out. Ask. "Do you love me too?"
Tumango-tango si Cali. Si Lean naman, sobrang natuwa. At sa sobrang tuwa, niyakap nya ang dalaga.
"For real?"Cali nodded again. "But I can't go out with you yet" Alam nyang isang malaking katangahan ang sinabi nyang iyon. Oo mahal nga nya si Lean, pero may mga bagay pa sya na dapat gawin bago tuluyang pumasok sa panibagong relasyon.
"It's okay. I can wait" hindi pa man naipapaliwanag ni Cali ang buong dahilan, nagsabi na agad si Lean na kaya syang hintayin nito.
Bumitaw si Lean sa pagkakayakap sa kanya, hinawakan ang dalawa kamay ng dalaga at tinitigan ito sa mga mata. "I can wait" He is serious, he will wait for her. Matagal na nya itong hinihintay, kaya hindi nya sasayangin. If Cali say 'he needs to wait' he will then.
"Thank you. Kailangan ko lang muna sabihin kela Mama at Papa na hiwalay na kami ni Ryan ng personal" paliwanag ni Cali. "Ayoko naman kasi na magulat sila. Hindi pa nila alam na hiwalay kami ni Ryan tapos may ipapakilala na ako agad sa kanila"
"You don't need to rush. I'll wait patiently for you" mahinahong ani Lean.
"Thank you, thank you" sa pagkakataong iyon, si Cali naman na ang yumakap sa binata.
🌸
HINDI MAWALA sa isip ni Cali ang mga pangyayari kagabi. Yes it's true! Lean loves me too. Yun ang paulit-ulit nyang sinasabi sa sarili simula ng gumising sya.Tumayo naman na sya sa kama atsaka naghilamos, nagsipilyo at inayos ang sarili. Hindi na muna sya naligo, dahil ang araw na ito ay ang swimming time ng kanilang reunion.
Matapos mag-ayos, lumabas na sya ng kwarto. Hindi na nya muna ginising si Ara dahil mahimbing pa ang pagkakatulog nito.
Pagkalabas ng kwarto, nag-inat-inat muna sya. Gusto sana nyang mag-jogging kaya lang mas gusto nyang kumain na ng almusal. Eating comes first. Kaya naman, naglakad na sya papunta sa dining hall.
Habang naglalakad, nagulat sya ng biglang may humawak sa kanan nyang kamay. Nilingon nya kung sino ito.
"Good morning" pagbati ni Lean sa dalaga.
"Good morning din. Kanina ka pa gising?" tanong ni Cali.
"Yep, naglakad lakad lang ako sa beach kanina"
"What? Bakit hindi mo ako sinama?" Nagtatampong ani Cali. Makatampo akala mo naman girlfriend sya.
"I texted you" nakakunot ang noo ni Lean.
Kinapa ni Cali ang cellphone sa bulsa. Hindi pala nya iyon dala, at hindi rin nya nabuksan iyon pagkagising dahil ang utak nya tumatakbo sa nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
One Secret [COMPLETED]
Romance"I have this one and only secret." ... Calista Arcilla has a perfect life. Maayos at buo ang kanyang pamilya, maganda ang kanyang trabaho, madaming kaibigan at higit sa lahat, maganda ang takbo ng kanyang lovelife. She is currently in a relationshi...